Mariano Gómez

Pilipinong paring minartir noong 1872

Si Padre Mariano Gómez y de los Angeles (Latin: Marianus Gomez), isinilang noong Agosto 2, 1799 sa Santa Cruz, Maynila, ay isang Pilipinong pari, bahagi ng Gomburza na maling pinaratangan ng pag-aalsa laban sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas noong ika-19 dantaon. Siya ay nilitis at hinatulan ng bitay sa Maynila kasama ang dalawang iba pang mga pari.

Mariano Gómez
Larawan hango mula sa 1923 at 2021 na mga monumento ni Padre Mariano Gomes sa Bacoor, Cavite.
KapanganakanAgosto 2, 1799
KamatayanPebrero 17, 1872
TrabahoPari
Kilala saGOMBURZA

Si Mariano Gomez ay nagtapos ng "Canon Law", at Teolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at naging pari sa Parokya ng Bacoor, Kabite noong Hunyo 2, 1824. Siya ay naging aktibo sa pagpapaunlad ng agrikultura at industriyang pantahanan sa bayang ito. Siya rin ang naging tagapaglutas ng mga sigalot at alitan ng mga pari kung kaya't siyay minahal at iginagalang ng lubos ng maraming tao. Nagpagtagumpayan din niya ang pakikipaglaban para sa mga karapatan ng mga paring Pilipino laban sa mga prayleng Kastila.

Kaisa siya ng maraming tao sa mga ipinaglaban nilang karapatan. Dahil na rin sa kanyang pagtatanggol sa mga kababayan, pinaghinalaan siya na kasali sa rebulusyon na sumibol sa Cavite. Kasama sina Burgos at Zamora, si Gomez ay pinatay sa pamamagitan ng garote noong ika-17 ng Pebrero, 1872.

Mga kawing panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.