Si Mario Lanza (31 Enero 1921 – 7 Oktubre 1959) ay isang Amerikanong tenor, aktor, at bituin sa pelikula ng Hollywood noong hulihan ng dekada ng 1940 at ng dekada ng 1950. Siya ay anak na lalaki ng mga emigranteng Italyano. Nagsimula siyang mag-aral upang maging isang dalubhasang mang-aawit noong nasa gulang na 16. Ipinanganak siya bilang Alfred Arnold Cocozza. Pinalitan niya ang kaniyang pangalan upang maging Mario Lanza nang lumitaw siya sa Pestibal ng Musika sa Berkshire (Berkshire Music Festival) sa Tanglewood, Massachusetts, noong Hulyo hanggang Agosto 1942. Ang pangalan sa pagkadalaga ng kaniyang ina ay Maria Lanza. Nabansagan si Lanza bilang Great Lanza (Dakilang Lanza).[2]

Mario Lanza
Si Mario Lanza, habang gumaganap bilang si Lt. Pinkerton sa Madama Butterfly (1950). Ang larawang ito ay ginamit din para sa mga layuning pampatalastas para sa pelikulang The Toast of New Orleans.
Kapanganakan31 Enero 1921[1]
  • (Philadelphia County, Pennsylvania, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan7 Oktubre 1959[1]
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahomang-aawit sa opera, musiko, artista sa pelikula

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb13745757q; hinango: 10 Oktubre 2015.
  2. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Lanza, Great". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 90 (talatuntunan) at 124.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pelikula at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.