Martilyong pantapete
Ang isang martilyong pantapete o martilyong pangmaliit na pako (upholstery hammer, tack hammer[1]) ay isang magaang na balalak o martilyo na ginagamit sa pagpukpok at pagaampat ng tela sa mga balangkas ng kasangkapang pambahay na ginagamitan ng maliliit na pako o pagtatapete (upholstery). Karaniwang may batobalani ang isang mukha ng pamukpok na ito upang makatulong sa paglalagay ng mga maliliit na pako. Kapag sinimulan ang gawain, binabaon ng isa pang mukha ang mga maliliit na pako. Upang mapabilis ang trabaho, naglalagay magtatapete ng mga pako sa kanyang bibig at ibinubuga ang mga ito patungo sa magnetikong mukha ng martilyo. Bilang pamamaraang panggawain, malawakang napalitan na ang kagamitang ito ng baril na pangkapit (staple gun), o baril na panlapat o pangkabit ng mga pakong hugis alambre (staple).
Sanggunian
baguhin- ↑ Digest, Reader's (1986). Complete Do-it-yourself Manual. Pleasantville, New York / Montreal, Canada: The Reader's Digest Association, Inc. ISBN 0895770105.
{{cite book}}
: Check|first=
value (tulong); External link in
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 14.|publisher=
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.