Martin Lewis Perl
Si Martin Lewis Perl (ipinanganak noong Hunyo 24, 1927 sa New York) ay isang Amerikanong pisiko na nanalo ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1995 sa kanyang pagkakatuklas sa tau lepton. Ang kanyang mga magulan ay mga Hudyong emigrante sa Estados Unidos mula sa Polish na area ng Rusya.
Martin Lewis Perl | |
---|---|
Kapanganakan | |
Nasyonalidad | Estados Unidos |
Nagtapos | Columbia University |
Kilala sa | tau lepton |
Parangal | Nobel Prize in Physics in 1995 |
Karera sa agham | |
Larangan | Pisika |
Institusyon | University of Michigan Stanford Linear Accelerator Center (SLAC) University of Liverpool |
Doctoral advisor | I. I. Rabi |
Si Perl ay nagtapos ng inheryeryang kemikal noong 1948 sa Brooklyn Polytechnic Institute (na ngayong ay kilala bilang Polytechnic University) sa Brooklyn, New York. Kanyang natanggap ang kanyang Ph.D sa Unibersidad ng Columbia noong 1955 kung saan ang kanyang tagapayo ng tesis ay si I.I. Rabi na nanalo ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1944. Kanyang ginugol ang kanyang karera sa Unibersidad ng Michigan at pagkatapos sa Stanford Linear Accelerator Center (SLAC).
Habang nasa Michigan, sina Perl at Lawrence W. Jones ay nagsilbing kapwa mga tagapayo nina Samuel C. C. Ting na nanalo ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1976.
Siya ay kasalukuyang kasali sa Unibersidad ng Liverpool bilang bumibistang propesor[1]. Siya ay nagsisilbi rin bilang lupon ng mga tagapayo ng Scientists and Engineers for America na isang organisasyon na nakapokus sa pagtataguyod ng tamang agham sa pamahalaan ng Amerika.
Noong 2009, Si Perl ay tumanggap ng honoraryong doktorado mula sa Unibersidad ng Belgrade.[2]
Sanggunian
baguhin- ↑ "Professor Martin Perl joins University of Liverpool". BBC. 3 Disyembre 2011. Nakuha noong 3 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Promovisani počasni doktori Beogradskog univerziteta - RADIO-TELEVIZIJA VOJVODINE". Rtv.rs. 2009-10-20. Nakuha noong 2011-02-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)