Martinete
Ang martinete[1] ay isang aparatong mekanikal at pangkonstruksyon na ginagamit sa pagpukpok ng mga haligi pabaon sa lupa upang makapagbigay ng pundasyong pangsuporta sa mga gusali o iba pang mga istruktura. Kabilang sa tradisyonal na uri ng martinete ang isang uring may mabigat na pabigat na inilalagay sa pagitan ng mga pamatnubay upang malaya itong makapagpadulas pataas at ibaba sa isang hanay o guhit. Inilalagay ito sa isang haligi. Itinataas ang pabigat, na maaaring gumagamit ng hidroliko, lakas ng singaw, o kinakamay. Kapag umabot na ang timbang sa pinakamataas na antas, pinapakawalan o binibitiwan na ito at tatama sa haligi upang maibaon ito sa lupa.
Sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James (1977). "Martinete, pile-driver, drop-hammer". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.