Martsa ng Kamatayan sa Bataan

Ang Martsa ng Kamatayan sa Bataan (Ingles: ang Death March) ay ang pagpapalakad sa mga sundalong Pilipino at Amerikano mula Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga ng wala sa kanilang pinakain o pinainom, kaya't ang iba sa kanila ay namatay sa daan. Walang awa silang pinagpapapalo kapag nagpapahinga. Napilitan ang mga sundalong ito na inumin ang tubig sa imburnal dahil sa matinding pagkauhaw at pagkagutom.

Ang mga sundalong bihag kasama na ang mga maysakit at sugatan ay may bilang na 36,000. May limang libo ang mga namatay sa sakit, sugat o kaya'y pinatay sa saksak ng bayonet habang lumalakad ng walang pahinga, pagkain, at tubig. Marami sa kanila ang tumakas, ang mga nahuling tumakas ay pinagbababaril. Ngunit may mga nabuhay parin pagkatapos pag-babarilin at sila ay pumunta sa ibat-ibang lalawigan.

Sa ilalim ng init ng araw, gutom, kahinaan, at sakit na nadarama ng mga sundalong USAFFE na kagagaling sa digmaan, sila ay pinagmartsa ng mga malulupit na sundalong Hapones mula sa Mariveles, Bataan patungo sa kampo ng San Fernando, Pampanga. Ang ganitong kalagayan ay hindi malilimutan ng marami nating kababayan na nagpakita ng pagmamahal sa ating bayan.


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.