Martsa ng mga Ukranyanong Nasyonalista
Ang Martsa ng mga Ukranyanong Nasyonalista ay isang Ukranyanong patriotikong kanta na orihinal na opisyal na awit ng Organisasyon ng mga Ukranyanong Nasyonalista at ng Hukbong Insurhenteng Ukranyano.[1] Ang kanta ay kilala rin sa unang linya nito na "Ipinanganak tayo sa isang dakilang oras" (Ukranyo: Зродились ми великої години). Ang kanta, sinulat ni Oles Babiy sa musika ni Omelian Nyzhankivskyi noong 1929, ay opisyal na pinagtibay ng pamumuno ng Organisasyon ng mga Ukranyanong Nasyonalista noong 1932.[2] Ang kanta ay madalas na tinutukoy bilang isang makabayang awit mula sa mga panahon ng pag-aalsa,[3] at isang Ukranyanong awiting-pambayan.[4] Karaniwan pa rin itong ginagawa ngayon, lalo na sa mga pangyayaring nagpaparangal sa Hukbong Insurhenteng Ukranyano[5] at ng mga nasyonalistang organisasyon at mga pagpupulong ng partido, tulad ng sa VO Svoboda.[6]
Noong 1919 sa pagtatapos ng Digmaang Polako-Ukranyano, na nagbunga sa pagkuha sa Kanlurang Ukranya ng Ikalawang Republikang Polako, maraming dating pinuno ng republikang Ukranyano ang ipinatapon.[7] Habang dumarami ang pag-uusig ng Polonya sa mga Ukranyano noong panahon ng interdigma, maraming Ukranyano (lalo na ang mga kabataan, na marami sa kanila ang nadama na wala silang hinaharap) nawalan ng tiwala sa mga tradisyonal na legal na pamamaraan, sa kanilang mga nakatatanda, at sa mga kanlurang demokrasya na nakikitang tumalikod sa Ukranya. Ang panahong ito ng pagkabigo ay kasabay ng pagtaas ng suporta para sa Organisasyon ng mga Ukranyanong Nasyonalista (OUN). Sa pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang OUN ay tinatayang may 20,000 aktibong miyembro at ilang beses pa ang bilang sa mga nakikisimpatya.[8] Ang kanta ay isinulat noong 1929 sa gitna ng mga pampolitikang kalagayang ito at pinagtibay ng pamunuan ng organisasyon makalipas ang 3 taon.[9]
Ang Martsa ng mga Ukranyanong Nasyonalista ay isinulat at isinagawa bilang isang martsa militar at isang tawag sa pag-aarmas. Ang unang taludtod ng kanta ay tumutukoy sa "sakit ng pagkawala ng Ukranya", na tumutukoy sa panandaliang kalayaan ng Pambansang Republikang Ukranyano mula 1917-1921. Ang republika ay hinati sa pagitan ng Unyong Sobyet at ng Pambansang Republikang Ukranyano.[10] Binanggit din ng kanta ang isang sikat na pambansang kasabihang Ukranyano, "Isang Nagkakaisang Ukranyanong esytado...mula sa San hanggang sa Kavkaz".[11] Ito ay naaayon sa irendentismong Ukranyano na konsepto ng pagkakaroon ng kanlurang hangganan ng Ukraine na magsisimula sa ilog ng San sa modernong-panahon sa kanlurang Ukranya at timog-silangang Polonya at ang silangang hangganan nito sa Bulubundukin ng Kaukasya (binibigkas na "Kavkaz" sa Ukranyano) sa modernong-panahong Timog Rusya.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Lypovetsky, Sviatoslav (17 Pebrero 2009). "Eight Decades of Struggle". The Day. Nakuha noong 26 Hulyo 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Символіка Українських Націоналістів (Symbols of Ukrainian Nationalists) Naka-arkibo 2013-12-08 sa Wayback Machine. Archived link Article on the website of the Virtual Museum of Ukrainian Phaleristics (sa Ukranyo)
- ↑ List of Uprising Songs on umka.com (sa Ukranyo)
- ↑ Зродились ми великої години (We were born in a great hour)[patay na link] Entry at pisni.org (sa Ukranyo)
- ↑ Святкове співоче дійство «Зродились ми великої години» з нагоди 70-ї річниці створення УПА (Festive singing event "We were born in a great hour" on the 70th anniversary of the creation of UPA) entry at news website Zaxid.net (sa Ukranyo)
- ↑ Зродились ми великої години… (We were born in a great hour...) Entry at nationalist news website ukrnationalism.com (sa Ukranyo)
- ↑ Christopher Gilley (2006). A Simple Question of 'Pragmatism'? Sovietophilism in the West Ukrainian Emigration in the 1920s Naka-arkibo 2007-09-30 sa Wayback Machine. Working Paper: Koszalin Institute of Comparative European Studies pp.6-13
- ↑ Orest Subtelny. (1988). Ukraine: A History. Toronto: University of Toronto Press. pp.441-446.
- ↑ Символіка Українських Націоналістів (Symbols of Ukrainian Nationalists) Naka-arkibo 2013-12-08 sa Wayback Machine. Archived link Article on the website of the Virtual Museum of Ukrainian Phaleristics (sa Ukranyo)
- ↑ Serhy Yekelchyk, Ukraine: Birth of a Modern Nation, Oxford University Press (2007), ISBN 978-0-19-530546-3
- ↑ Kyrylo Halushko, Birth of a country. From a land to a state., Family Leisure Club (2015) (sa Ukranyo), ISBN 978-617-12-0208-5