Marukosu giwaku
Ang Marukosu giwaku (マルコス疑惑) , o "iskandalong Marcos" ang kataga sa wikang Hapon para sa iskandalong ukol sa ng tulong pandayuhan ng bansang Hapon (Japanese ODA scandal) noong panahon ng pagkapangulo ni Ferdinand Marcos sa Pilipinas.[1]
Sa sobrang pagkaabala ng Diet (lehislaturang Hapon) noong 1986, naturingnag "Marcos Diet" ang sesyong iyon ng kanilang lehislatura.[2] Ang mga aral mula sa Marukosu giwaku ay kasama sa mga sanhi ng pagsasabatas ng Hapon ng bagong ODA Charter noong 1992.[2][3]
Mga Pagbubunyag
baguhinNang pinatalsik ng People Power Revolution ang mga Marcos sa Hawaii noong Pebrero 1986,[2] kinumpiska ng mga awtoridad ng Amerika ang mga papel na kanilang dinala. Ibinunyag ng mga nakumpiskang dokumento na mula pa pala noong dekada 1970, nakatanggap ng komisyong 10 hanggang 15 porsyento sila Marcos at kanyang mga kasama mula sa mga pautang ng Overseas Economic Cooperation Fund sa humigit-kumulang limampung mga kontratista ng Hapon.[2][4]
Kasaysayan
baguhinNoong unang naging pangulo si Ferdinand Marcos noong 1965, hinirang niya bilang embahador ng Pilipinas sa Japan ang kanyang Fraternity brother sa Upsilon Sigma Phi at kalaro sa golf na si Roberto Benedicto. Dahil sa pagkatalaga ni Benedicto bilang embahador sa bansang Hapon, nakapagsagawa siya ng mahahalagang kontrata, at nakakuha siya ng higit sa $550M na World War II reparations, na diumano'y ginamit niya para sa kanyang pribadong interes.[5][6]
Ang pagiging embahador ni Benedicto ay nagbigay din sa kanya ng kaalaman tungkol sa interes ng mga Hapon sa negosyo, na siya namang nagresulta sa mga lukratibong joint-venture niya sa mga korporasyong Hapones.[5]
Noong 1972, binuwag ni Ferdinand Marcos ang lehislatura ng Pilipinas sa ilalim ng batas militar, at inangkin ang kapangyarihan nito na lumkha ng batas. Sampung araw bago ang isang pagbisita ng Punong Ministro ng Hapon na si Kakuei Tanaka, sinigurado nina Benedicto at Marcos ang Pagpapatibay ng Treaty of Amity, Commerce and Navigation na 13 taon nang iminumungkahi ng bansang Hapon sa lehislatura ng Pilipinas. Sa bisa ng Treaty na ito, hinirang ang Hapon bilang "pinaka-pabor sa bansa" ng Pilipinas. Sa loob ng tatlong taon mula rito, nalampasan na ng bansang Hapon ang Estados Unidos bilang pangunahing pinagmumulan ng bagong puhunan sa Pilipinas.[5]
Pagkaraan
baguhinAng mga iskandalo na ito ay naging isyu na tinalakay ng mga administrasyon ng mga sumunod na pangulong sina Corazon Aquino at Fidel V. Ramos . Tahimiknag hiniling ng pamahalaang Hapon sa gobyerno ng Pilipinas na patahimikin ang isyu dahil nakaaapekto ito sa sektor ng pagnegosyo at pakikipagugnayan ng dalawang bansa.[7]
Ang mga aralin mula sa mga iskandalo ng Marcos ay naging sanhi ng pagsasabatas ng bansang Hapon ng isang bagong ODA Charter noong 1992.[2][3]
Tingnan din
baguhinMga Sanggunian
baguhin- ↑ Hirata, K. (2002-08-16). Civil Society in Japan: The Growing Role of NGO’s in Tokyo’s Aid and Development Policy (sa wikang Ingles). Springer. ISBN 9780230109162.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Brown, James D. J.; Kingston, Jeff (2018-01-02). Japan's Foreign Relations in Asia (sa wikang Ingles). Routledge. ISBN 9781351678575.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Tsunekawa, Keiichi (February 2014). "Objectives and Institutions for Japan's Official Development Assistance (ODA) : Evolution and Challenges".
- ↑ Warf, Barney (2018-12-26). Global Corruption from a Geographic Perspective (sa wikang Ingles). Springer. ISBN 978-3-030-03478-8.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 Crewdson, John (1986-03-23). "Marcos Graft Staggering:Investigators Trace Billions in Holdings". Chicago Tribune (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-07-24. Nakuha noong 2018-05-23.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "It Takes a Village to Loot a Nation: Cronyism and Corruption". Martial Law Museum (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-06-25. Nakuha noong 2018-07-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ikehata, Setsuho; Yu-Jose, Lydia, mga pat. (2003). Philippines-Japan Relations. Ateneo De Manila University Press. p. 591. ISBN 971-550-436-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)