Ang marumi o madumi ay isang tao, bagay o katayuan ng pagiging hindi malinis, hindi dalisay, masama, o hindi nakaabot sa mga partikular na antas, kundisyon o kalagayan.[1][2] Tumutukoy din ito sa pagiging may kababuyan o pagiging salahula.[1] Sa pananampalataya, isang tanda o simbolo ng kawalan ng kadalisayang espiritwal o pangkaluluwa ang pagiging marumi. Hindi maaaring maging kabahagi ng mga serbisyo o paglilingkod na panrelihiyon ang alin mang bagay na marumi. Nagtakda ang Diyos ng mga kalagayan o kundisyon para sa mga tao at mga bagay na maaaring ibilang o isamba sa pagsamba sa kanya, subalit maaaring linisin pa ang mga bagay o taong marumi upang muli silang makasamba sa Diyos. Sa Kristiyanismo at Hudaismo, ang sakripisyo ni Hesus ang naging daan sa pagiging malinis ng espiritu ng mga tagasunod ni Hesus sapagkat hindi na nila sinusunod o kailangan sundin ang mga batas na nakasaad sa Lumang Tipan na nauukol sa pagkakaroon ng mga katayuan ng pagiging marumi.[2]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Unclean - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 The Committee on Bible Translation (1984). "Biblia6". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B13.