Mary Elizabeth Frye
Si Mary Elizabeth Frye (ipinanganak sa Dayton, Ohio, noong 13 Nobyembre, 1905 - Baltimore 15 Setyembre 2004) ay isang may-bahay at tindera ng bulaklak, mas kilala bilang may-akda ng tulang "Do not stand at my grave and weep" (Huwag tumindig sa aking libingan at tumangis), na nasulat noong 1932.[1] Ipinanganak siya bilang Mary Elizabeth Clark, at naulila sa gulang na tatlo. Noong 1927, nagpakasal siya kay Claud Frye. Ang katauhan ng may-akda ng tula ay hindi nakikilala hanggang sumapit ang hulihan ng dekada 1990, nang ibinunyag ni Frye na siya ang sumulat nito. Ang kanyang pag-aangkin ay lumaong napatunayan ng kolumnista sa pahayagan na si Abigail Van Buren.[1]
Mary Elizabeth Frye | |
---|---|
Kapanganakan | 13 Nobyembre 1905 |
Kamatayan | 15 Setyembre 2004 |
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Estados Unidos at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.