Mary Had a Little Lamb
Ang "Mary Had A Little Lamb" ay isang pambatang tula sa wikang Ingles na nagmula noong ika-19 na siglo sa Estados Unidos. Mayroon itong Roud Folk Song Index na 7622. Unang nailathala ang tula ng Marsh, Capen & Lyon, isang kompanyang tagalathala sa Boston, na isinulat ni Sarah Josepha Hale noong Mayo 24, 1830 at posibleng hango sa tunay na pangyayari.