Mary Jackson

(Idinirekta mula sa Mary Jackson (engineer))

Si Mary Jackson ( née Winston ; [1] ay isinilang noong Abril 9, 1921 - at namatay noong Pebrero 11, 2005. Sya ay isang Amerikang matematisyan at aerospace engineer sa National Advisory Committee for Aeronautics (NACA), na pinalitan noong 1958 ng National Aeronautics and Space Administration (NASA). Nagtrabaho siya sa Langley Research Center sa Hampton, Virginia, para sa karamihan ng kanyang karera. Nagsimula siya bilang isang computer sa segregated West Area Computing division noong 1951. Noong 1958, pagkatapos kumuha ng mga klase sa engineering, siya ang naging unang itim na babaeng enhinyera ng NASA.

Mary Jackson
Si Mary Jackson sa isang larawan; Sya ay naka suot ng matingkad na puting damit na may kwelyo, sa ibabaw nito ay isang business-professional jacket na may mas malaking kwelyo. ang buhok ni Jackson ay maikli, bob-style (na may kaunting kulot sa bandang likod) kuha ang kanyang mukha habang kalmadong nakangiti, at nakatingin sa bandang gilid.
Si Jackson noong 1979
Kapanganakan
Mary Winston

9 Abril 1921(1921-04-09)
Kamatayan11 Pebrero 2005(2005-02-11) (edad 83)
Hampton, Virginia, U.S.
EdukasyonHampton University (BS)
Kilala saAerospace engineer at NASA and advocacy for women in STEM fields
AsawaLevi Jackson (k. 1944–92)
Anak2
Karera sa agham
Larangan
InstitusyonNASA

Pagkatapos ng 34 na taon sa NASA, nakuha ni Jackson ang pinaka-mataas na titulo sa enhenyeriya noong panahon nya. Napagtanto niya na hindi siya makakakuha ng karagdagang mga promosyon hanggat hindi sya nagiging superbisor. Tinanggap niya ang isang demosyon para maging isang tagapamahala ng Federal Women's Program, sa NASA Office of Equal Opportunity Programs at ng Affirmative Action Program. Sa tungkuling ito, nagtrabaho siya upang maimpluwensyahan ang pagbibigay ng trabaho at promosyon sa mga kababaihan sa mga karera sa agham, enhinyeriya, at matematika ng NASA.

Natampok ang kuwento ni Jackson sa 2016 non-fiction na aklat na Hidden Figures: The American Dream and the Untold Story of the Black Women Who Helped Win the Space Race. Isa siya sa tatlong bida sa Hidden Figures, ang adaptasyong pelikula na inilabas sa parehong taon.

  1. "Mary Jackson". Encyclopædia Britannica. Encyclopædia Britannica, Inc. Abril 5, 2019. Nakuha noong Hunyo 11, 2019.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)