Si Mary Read (ipinanganak noong 1690 - namatay noong 1721) ay isang piratang Inglesa. Pangunahing siyang naaalala bilang isa sa dalawang mga piratang babae (bilang kasamahan ni Anne Bonny) na nalalaman bilang naparusahang salarin dahil sa gawain ng pamimirata noong kaagahan ng ika-18 daantaon, habang nasa karurukan ng Gintong Panahon ng Pamimirata. Sa isang pagkakataon, kasama siya ni Anne Bonny na tumakas sa paglalayag sa piling ng lalaking piratang si John Rackham. Nadakip si Mary Read at namatay sa isang bilangguan sa Jamaica dahil sa lagnat.[1]

Mary Read
Pagwawagi ni Mary Read sa isang kalabang lalaking pirata.
UriPirata
Pook ng kapanganakanInglatera
Pook ng kamatayanBilangguan sa Jamaica
Matapat sa/kayInpantriya at kabalyeriya sa Olanda na kakampi ng mga Ingles
Mga taon ng kasiglahanc.1708-1713
RanggoHindi alam
Himpilan ng mga gawainKaribe

Mga sanggunian

baguhin
  1. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Mary Read". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 63.


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.