Masahiro Higashide

Sa pangalang Hapones na ito, ang apelyido ay Higashide.

Si Masahiro Higashide (東出 昌大, Higashide Masahiro) ay isang artista at modelo sa bansang Hapon.

Masahiro Higashide
東出昌大
Si Higashide sa Tokyo International Film Festival noong Oktobre 2016
Kapanganakan (1988-02-01) 1 Pebrero 1988 (edad 36)
Nasyonalidad Haponese
Trabaho
Aktibong taon2011–kasalukuyan
Tangkad1.89 m (6 ft 2 in)
AsawaAnne Watanabe (k. 2015–20)
Anak3

Talambuhay

baguhin

Nagtapos si Higashide sa Saitama Prefectural Asaka Haiskul. Nagpraktis siya araw-araw ng kendo noong bata pa siya dahil ang kanyang ama ay isang guro ng kendo. Ang kanyang ama ay isa ring tagapagluto ng lutoing Hapon.

Karera

baguhin

Nag-debut siya bilang isang modelo sa ika-19 na Men's Non-no Eksklusibong Modelo Audition noong haiskul. Matapos makapagtapos ng haiskul, naglalayon siyang maging isang tagapag-disenyo ng alahas at nagpatuloy na pumasok sa isang paaralan ng alahas.[1] Aktibo siya bilang isang modelo para sa ZUCCa o Yohji Yamamoto mula 2006 hanggang 2011.

Nag-debut siya sa The Kirishima Thing noong 2012 at naging artista mula noon. Siya ay umarte sa NHK TV na programa na "Rakugo Deeper!".

Pansariling buhay

baguhin

Ikinasal siya sa aktres na si Anne Watanabe noong Enero 1, 2015.[2] Ipinanganak ang kanilang kambal na anak na babae noong Mayo 2016.[3] At noong Nobyembre 2017, ipinanganak ni Watanabe ang kanilang ikatlung anak, isang lalaki.[4][5]

Noong Enero 2020, isiniwalat ng Shūkan Bunshun na si Higashide ay nangaliwa at nagkaroon ng relasyon sa aktres na si Erika Karata [en] mula noong 2017, nang buntis pa si Watanabe sa kanilang ikatlong anak.[6] Ang ulat ay kalaunan ay kinumpirma ng kanyang ahensya.[7] Ang insidente ay naging dahilan upang mawalan ng ilang endorsement deal si Higashide.[8] Noong Agosto 1, 2020, tinapos ni Watanabe ang kanyang diborsiyo kay Higashide, nangako na magtutulungan silang alagaan ang kanilang anak.[6]

Pilmograpiya

baguhin

Pelikula

baguhin

Telebisyon

baguhin
  • Renai Kentei (2012, NHK), Junya Yoshimitsu
  • Reset: Honto no Shiawase no Mitsukekata (2012, TBS-MBS), Shion/Jun Aya
  • Wonderful Single Life (2012, Fuji TV), Hiroki Yamada
  • xxxHolic (2013, WOWOW) Shizuka Dōmeki
  • Amachan (2013, NHK), young Daikichi Ōmukai
  • Gochisōsan (2013-14, NHK), Yūtarō Nishikado
  • Oyaji no Senaka (2014, TBS)
  • Hana Moyu (2015, NHK), Kusaka Genzui
  • Mondai no Aru Restaurant (2015, Fuji TV), Chef Makoto Monji
  • Moribito: Guardian of the Spirit (2016, NHK), Tanda

Sanggunian

baguhin
  1. "Nikkan Sports", Wikipedia (sa wikang Ingles), 2019-03-23, nakuha noong 2023-07-22{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "杏&東出昌大が元日結婚!春には挙式・披露宴 熱愛発覚から1年 - スポニチ Sponichi Annex 芸能". スポニチ Sponichi Annex (sa wikang Hapones). Nakuha noong 2023-07-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "杏、双子女児を出産「立派な子に育て上げたい」 東出昌大がパパに". ORICON NEWS. 2016-05-17. Nakuha noong 2023-07-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "近藤春菜、不倫報道の東出昌大に辛らつ「東出さんが苦しいのは正直どうでもいい。自業自得」". スポーツ報知 (sa wikang Hapones). 2020-01-23. Nakuha noong 2023-07-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "東出CM打ち切りへ 「よきパパ」イメージ崩壊 不倫の大きすぎる代償 - スポニチ Sponichi Annex 芸能". スポニチ Sponichi Annex (sa wikang Hapones). Nakuha noong 2023-07-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 Lee, Jan (2020-08-02). "Actress Anne Watanabe divorces actor husband Masahiro Higashide over his extramarital affair". The Straits Times (sa wikang Ingles). ISSN 0585-3923. Nakuha noong 2023-07-22.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "近藤春菜、不倫報道の東出昌大に辛らつ「東出さんが苦しいのは正直どうでもいい。自業自得」". スポーツ報知 (sa wikang Hapones). 2020-01-23. Nakuha noong 2023-07-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "東出CM打ち切りへ 「よきパパ」イメージ崩壊 不倫の大きすぎる代償 - スポニチ Sponichi Annex 芸能". スポニチ Sponichi Annex (sa wikang Hapones). Nakuha noong 2023-07-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing Panlabas

baguhin