Tumutukoy ang masaker o pagpuksa sa pagpatay sa maramihang indibiduwal at kadalasang tinuturing itong hindi katanggap-tanggap sa moralidad, lalo na kapag ginawa ito ng mga nasa politika laban sa mga walang laban na biktima. Hiniram ang salitang "masaker" mula sa katawagang Pranses para sa "pagpatayan" o "maramihang pagpatay."[1]

Le Massacre de Scio ("Ang masaker ng Chios"), isang pinta (1824) na Eugène Delacroix na isinasalarawan ang isang masaker ng mga Griyego sa pulo ng Chios ng mga tropang Otomano noong Digmaan para sa Kalayaan ng Griyego noong 1822.

Walang obhetibong kahulugan kung ano ang binubuo ng isang "masaker." May mga ipinanukala ang iba't ibang mga internasyunal na mga organisasyon hinggil sa pormal na kahulugan ng terminong krimen laban sa sangkatauhan, na bagaman, maaring mapabilang ang mga insidente ng pag-uusig o abuso na hindi nagreresulta ng kamatayan.[2] Salungat nito, hindi kinakailangang "krimen laban sa sangkatauhan" ang "masaker."[3] Kabilang sa ibang katawagan na sumasanib ang sakop sa masker ang krimen sa digmaan, pogromo (sinadya at sinulsulang pagpapahirap o pagpatay), maramihang pagpatay, maramihang sadyang pagpatay, at pagpatay sa labas ng hudikatura (extrajudicial killing o EJK).

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "the definition of massacre". Dictionary.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 24, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Bassiouni, M. Cherif (2011). "Crimes Against Humanity". The Crimes of War Project (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Marso 2015. Nakuha noong 22 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gallant, Thomas W. (2001). "Review of Levene, Roberts The Massacre in History". Crime, History & Societies. 5 (1).{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)