Ang masinggan o metralya (Ingles: machine gun[1], literal na "makinang baril") ay isang automatikong sandatang sunud-sunod na nakapagbabaril ng isang bala o punglo (isa pagkaraan ng isa na masusundan ng marami pa) habang pinipindot o habang nakadiin ang gatilyo, at mayroon itong mga punglong nakahandang ibaril. Tinatawag itong automatikong pagbaril. May mga masinggang madadala ng isang tao lamang, ngunit mayroon mga metralyang maipuputok o mapapaputok mula sa isang patungang may tatlong paa o tripoda. Nagpapaputok ang karamihan sa mga masinggan ng mga punglong kinukunekta ng isang mahabang sinturon o tanikala. Mayroong ibang gumagamit ng mga kahong kinargahan ng ispring at tinatawag na mga magasin. Tinatawag na mga submasinggan o submetralya (Ingles: sub-machine gun, SMG) ang kahalintulad na mga sandatang nakapagpapaputok ng mas mahihinang mga punglo.

Ang Machine Gun M2.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Machine gun - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.