Maskulinidad
Ang maskulinidad, na tinatawag ding pagiging maskulino o isang bulog, pagkabarako, at pagkalalaki, ay ang pagkakaroon ng mga katangian o kalidad na itinuturing na tipikal o pangkaraniwan sa isang lalaki, o kaya ay naaakma at naaangkop sa isang lalaki. Ang kataga ay maaaring gamitin upang ilarawan ang anumang tao, hayop, o bagay na may katangian ng pagiging nauukol sa katangian ng isang tunay na lalaki. Kapag ang maskulino ay ginagamit upang ilarawan ang kalalakihan, maaari itong mayroong mga kaantasan ng paghahambing, katulad ng mas lalaki, mas maskulino, mas barako, o kaya pinaka maskulino, pinaka barako, o lalaking-lalaki. Ang kabaligtaran nito ay maaaring ipadama ng mga katagang katulad ng parang hindi lalaki, hindi lalaki, hindi barako, o episeno (epicene sa Ingles[1], epiceno sa Kastila; pambalaki, sapagkat may katangiang panlalaki at pambabae, maaari ring binabae o walang kasarian).[2] Isang karaniwang halos kasingkahulugan (sinonimo) sa maskulinidad ay ang salitang birilidad o "pagkalalaki" (mula sa Latin na vir, lalaki);[1] at ang karaniwang komplemento (pambuo o pampuno) ay ang peminidad.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Roget’s II: The New Thesaurus, ika-3 edisyon, Houghton Mifflin, 1995.
- ↑ epicene Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., gabbydictionary.com