Ang terminong mataas na boltahe (sa Ingles: high voltage) ay kadalasang binibigyang kahulugan bilang enerhiyang elektrikal na maaring makapanakit sa mga nabubuhay na organismo. Ang mga kagamitan at daluyan ng mataas na boltahe ay may kaukulang pangangailangang at pamamaraang pangkaligtasan. May mga industriyang nagtatalaga sa mataas na boltahe bilang mga boltahe na lalagpas sa isang naturang boltahe. Ginagamit ang mataas na boltahe sa pagpapakalat ng lakas pang-elektrisidad, sa mga cathode ray tubes, sa mga photomultiplier tubes, upang makagawa ng X-rays, upang maipakita ang pag-aarko, para sa pagpapaapoy at iba pang gamit pang-agham at industriya.

Ang mataas na boltahe ay maaaring magdulot ng electrical breakdown, na nagreresulta sa pagdiskarga ng elektrisidad na ipinapakita nitong plasma filaments na nagmumula sa isang Tesla coil.

Pakahulugan

baguhin

Ang kahulugang numerikal ng mataas na boltahe ay naaayon sa konteksto. Dalawang pamantayan na binibigyang pansin sa pag-uuri ng mataas boltahe ay ang posibilidad na magdulot ito ng kislap sa hangin, at ang panganib na makapagdulot ito na dagok mula sa pagkakakuryente. Ang mga kahulugan ay maaaring tumukoy sa boltahe sa pagitan nga dalawang daluyan ng kuryente o kaya nama'y sa pagitan ng isang daluyan at ng lupa.

Sa inheniyeriya ng pagpapadala ng lakas pang-elektrisidad, ang mataas na boltahe ay anumang boltahe na lalagpas sa 35,000 volts. Ito ay pag-uuri mula sa disenyo ng mga kagamitan at insulasyon.