Matadi
Ang Matadi ay ang pangunahing pantalang pandagat ng Demokratikong Republika ng Congo at ang kabisera ng lalawigan ng Kongo Central. May populasyon ito na 245,862 katao noong 2004. Matatagpuan ang Matadi sa kaliwang pampang ng Ilog Congo 148 kilometro (92 milya) mula sa bukana ng ilog at 8 kilometro (5.0 milya) sa ibaba ng pinakahuling malalayagang punto sa ilog bago ang mga hindi mararaanang matutulin na agos sa itaas ng ilog. Itinatag ito ni Sir Henry Morton Stanley noong 1879.
Matadi | |
---|---|
Palayaw: The Stone City | |
Mga koordinado: 5°49′03″S 13°28′15″E / 5.81750°S 13.47083°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Kongo Central |
Itinatag | 1879 |
Pamahalaan | |
• Alkalde | Jean Marc Nzayidio |
Lawak | |
• Kabuuan | 110 km2 (40 milya kuwadrado) |
Populasyon (2007) | |
• Kabuuan | 306,053 |
Sona ng oras | UTC+1 |
Ang salitang Matadi ay nangangahulugang "bato" sa katutubong wikang Kikongo.
Kasaysayan
baguhinItinatag ni Sir Henry Morton Stanley ang Matadi noong 1879. Ito ay estratehikong mahalaga sapagkat ito ay ang huling madadaanang pantalan sa Ilog Congo at dahil diyan ang pinakamalayong pantalang panloob sa Malayang Estado ng Congo. Dahil sa pagtatayo ng Daambakal ng Matadi–Kinshasa na itinayo sa pagitan ng 1890 at 1898, naging posible ang pagdadala ng mga produkto mula sa pinakaloob-looban ng Congo papuntang Matadi at ang lungsod ay naging isang mahalagang sentro ng pangangalakal. Ang mga kapakinabangang komersiyo ng Portuges at Pranses ay nagpaimpluwensiya sa arkitektura at disenyiong urbano ng lungsod na hiniram mula sa mga kalapit na kolonya sa Angola at Congo-Brazzaville.[1]
Klima
baguhinDatos ng klima para sa Matadi | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Katamtamang taas °S (°P) | 33 (91) |
33 (92) |
34 (94) |
34 (93) |
33 (91) |
30 (86) |
28 (83) |
29 (84) |
30 (86) |
32 (90) |
33 (91) |
32 (90) |
32 (89) |
Katamtamang baba °S (°P) | 24 (76) |
24 (76) |
24 (76) |
24 (76) |
24 (75) |
22 (71) |
20 (68) |
21 (69) |
22 (72) |
24 (75) |
24 (75) |
24 (75) |
23 (74) |
Katamtamang presipitasyon cm (pulgada) | 13 (5) |
10.9 (4.3) |
16.8 (6.6) |
18.8 (7.4) |
6.1 (2.4) |
0.3 (0.1) |
0.3 (0.1) |
0.3 (0.1) |
0.8 (0.3) |
2.8 (1.1) |
17 (6.7) |
14.7 (5.8) |
101.1 (39.8) |
Sanggunian: Weatherbase[2] |
Imprastraktura
baguhinNagsisilbing isa sa mga pinakamalaking daungan ang bunganga ng Ilog Congo. Maliban sa Matadi, na pinakamalayo pasalungat sa agos, tatlong mga pantalang lungsod ang matatagpuan sa lugar na ito, ang iba pa ay Boma at Banana sa DR Congo at Soyo sa Angola. Nagsisilbing pangunahing lugar ng pagangkat at pagluwas ang Matadi para sa buong bansa. Pangunahing mga iniluluwas ay kape at tabla. Ginagamit ng "Permarza", ang kompanyang pangingisda na pag-aari ng estado, ang pantalan upang magtustos ng isda sa Kinshasa. Malapit ang Paliparan ng Tshimpi ngunit iniulat na hindi aktibo dahil sa patuloy na kaguluhan.
Ang Tulay ng Matadi, isang 722 metrong nakasuspindeng tulay na itinayo noong 1983 at may pangunahing kahabaan na 520 metro, ay tumatawid sa ilog sa bandang timog ng Matadi, ar nagdadala ng pangunahing daan na nag-uugnay ng Kinshasa sa baybaying-dagat. Pagkaraang dumaan ito sa lungsod at sa tulay, tutuloy ito sa Boma, Muanda at Banana. Bagamat itinayo ito bilang pinaghalong tulay pandaan at pandaambakal, walang ipinapatakbong linya ng daambakal sa tulay sa kasalukuyan. Ang Matadi ay pantalan at dulo ng daanan ng riles para sa 366 na kilometrong Daambakal ng Matadi–Kinshasa, na itinayo upang malagpasan ang mga batuhan (rapids) sa dakong itaas ng ilog. Nakatayo sa isang kalapit na burol ang isang bantayog para sa mga nagtayo ng daambakal.
Isang planta ng kuryente sa Ilog M'pozo ang nagtutustos ng kuryente sa lungsod ng Matadi.
Pantalan
baguhinAng pinakamababang lubog ng daungan ay 8.2 metro.[3] Ang Hukbong Dagat ng Demokratikong Republika ng Congo ay nagpapanatili ng isang gumaganang mando sa pantalan.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ History of architecture: city, architecture and colonial space in Matadi and Lubumbashi, Sofie Boonen, http://symposium.fea.ugent.be/sites/symposium.elis.ugent.be/files/phdsymposium/paper450abstract_42.pdf Naka-arkibo 2014-07-14 sa Wayback Machine.
- ↑ "Weatherbase: Historical Weather for Matadi, Democratic Republic of the Congo". Weatherbase. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Hunyo 2019. Nakuha noong 14 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ http://www.e-ships.net/ports/Congo%20(Democratic%20Republic)/1148.htm
Mga kawing panlabas
baguhinGabay panlakbay sa Matadi mula sa Wikivoyage