Mateo ang Apostol
(Idinirekta mula sa Mateo (ebanghelista))
Si San Mateo ay isang santo ng Romano Katoliko na naging kabilang sa unang labindalawang alagad ni Hesus. Dati siyang maniningil ng buwis sa ngalan ng Imperyong Romano. Bilang apostol, pagkaraan ng pamumuhay ni Hesukristo sa mundo, nangaral siya sa Hudea. Siya ang nakaugaliang tinuturing na may-akda ng Ebanghelyo ni Mateo, ang unang ebanghelyong matatagpuan sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ayon rin sa kinaugalian, siya ang nagdala ng Kristiyanismo sa Silangan.[1] Kilala rin siya bilang ang dating si Levi, anak ni Alfeo.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Matthew, The Apostles, pahina 333". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Levi, anak ni Alfeo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 14, pahina 1483.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Santo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.