Ang materyalismo ay ang teoriyang nagsasabing walang ibang umiiral kundi ang materya at ang mga galaw nito.[1] Ito ang paniniwala na maipapaliwanag ang lahat ng bagay-bagay sa mundo sa pamamagitan ng mga batas ng pisika.[2]

Sa ibang pakahulugan, ito ang pagbibigay-diin sa pagka-makamateryal para sa kapakanan, kalusugan, kaligayahan at kabutihan.[1][2] Sa ganitong diwa, pinaniniwalaan dito na ang kaalwanan o kaluwagan sa mga bagay na pisikal ang pinakamabuti para sa kaligayahan ng mga tao. Sa madaling sabi, ito ang pagpapahalaga at pagkahalina sa mga bagay na materyal.porardiwan[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Materialism". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 72.
  2. 2.0 2.1 2.2 Gaboy, Luciano L. Materialism, materyalismo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.