Mathura
Ang Mathura ( pronunciation (tulong·impormasyon)) ay isang siyudad sa estadong Hilagang India ng Uttar Pradesh. Ito ay matatagpuan sa tinatayang 50 km hilaga ng Agra at 145 km timog silangan ng Delhi; mga 11 kilometro mula sa bayan ng Vrindavan at 22 kilometro mula sa Govardhan. Ito ang administratibong sentro ng Distritong Mathura ng Uttar Pradesh. Ang Mathura ang lugar ng kapanganakan ng Diyos ng Hinduismo na si Panginoong Krishna sa sentro ng Braj o Brij-bhoomi na tinatawag na Shri Krishna Janma-Bhoomi na literal na 'lugar ng kapanganakan ni Panginoong Krishna'. Ang Templong Keshav Dev ay itinayo noong sinaunang panahon sa lugar ng kapanganakan ni Krishna na isang bilangguan sa ilalim ng lupa. Ayon sa mga epikong Mahabharata at Bhagavata Purana, ang Mathura ang kabisera ng Kahraiang Surasena na pinamunuan ni Kansa na tiyuhing pang-ina ni Shri Krishna.
Mathura मथुरा | |
---|---|
Siyudad | |
Road in front of the Krishna Temple | |
Mga koordinado: 27°29′33″N 77°40′25″E / 27.49250°N 77.67361°E | |
Bansa | India |
Estado | Uttar Pradesh |
Distrito | Mathura |
Populasyon | |
• Kabuuan | 264,546 |
Mga wika | |
• Opisyal | Hindi |
Sona ng oras | UTC+5:30 (IST) |
PIN | 281 001 |
Telephone code | 91(565) |
Plaka ng sasakyan | UP-85 |
Websayt | mathura.nic.in |