Matt Flynn
Matthew Clayton Flynn (ipinanganak noong June 20, 1985, sa Tyler, Texas) ay isang Amerikanong football quarterback. Siya ay nasa kanyang taon bilang isang senior ngaun sa Louisiana State University. Si Flynn ay nagsisilbi bilang back-up ni JaMarcus Russell sa nakaraang dalawang season at nakatalaga upang palitan ito bilang starting quarterback ng LSU, sapagkat si Russell ay nakapagpasya na pumasok sa 2007 NFL Draft.[1]
Karera sa High school
baguhinSi Matt Flynn ay nagmula sa Robert E. Lee High School sa Tyler, Texas, kung saan siya ay sinanay ni Coach Mike Owens. Si Flynn ay isa sa mga pinakamagaling na quarterback sa estado ng Texas, kasama si Drew Tate ng Baytown, Texas. Bilang junior noong 2001, si Flynn ay namuno sa kanayng koponan sa 5A playoff appearance subalit natalo sa kampeon ng estado, ang Mesquite High School. Si Flynn ay nakakumpleto ng 101-sa-199 na mg pasa para sa 1,650 yards at 13 touchdowns na may 9 interceptions lamang sa season. Bilang isang senior, siya ay nakakumpleto ng 124-sa-206 na pasa para sa 1,679 yards at 9 touchdowns. Siya rin ay nagpakita ng kakayahan sa ground ng nagawa niya ang pagtakbo sa 305 yards at 12 touchdowns. Si Flynn ay nagpakita ng lakas at tibay ng pinamunuan niya ang Robert E. Lee HS sa semi-finals, sa kabila ng pagalalaro sa huling 4 na games na may bale ang paa. Natalo ang kanilang koponan sa Midland High School sa iskor na 24-14.
Si Flynn ay naging miyembro ng SuperPrep Texas 124, Dallas Morning News Texas Top 100 at ng Tyler Morning Telegraph All-East Texas Football Team. Pinili niya ang LSU higit sa Tennessee, Texas Tech, Texas A&M, at Baylor.>
Karera sa Kolehiyo
baguhinFreshman season
baguhinSi Flynn ay nagredshirt sa 2003 NCAA Division I-A football season, kasama ang LSU quarterback signee na si JaMarcus Russell. Noong 2004, siya ay nagsilbing third string quarterback bilang redshirt freshman, sa likod ng starter na si Marcus Randall at backup na si JaMarcus Russell. Siya rin ay nagsilbi sa LSU bilang double ng holder sa placekicks. Si Flynn ay nakapaglaro ng 12 na laro, subalit 3 beses lamang bilang quarterback. Ang kanyang unang kumpleto ay nagawa ni Xavier Carter para sa 67-yard touchdown laban sa Mississippi State. Si Flynn ay nagkaroon din ng maikling appearance sa 2004 Capital One Bowl, matapos makakumpleto ng 1-sa-4 na mga pasa para sa 11 yards. Tinapos niya ang taon ng may 4-sa-10 mga pasa para sa 99 yards at 1 TD.
Sophomore season
baguhinSa pag-alis ni Randall, naiwan sina Russell at Flynn na naglalaban sa puweston ng starting QB. Si Russell ang nakakuha ng puwesto, habang si Flynn ay naging back-up.[2] Siya ay naglaro ng pitong games bilang quarterback sa koponan ng Tigers noong 2005, nakakumpleto siya ng 27-sa-48 na mga pasa para sa 457 yards, 7 touchdowns at 1 interception. Nang sila ay manalo laban sa koponan ng North Texas, si Flynn ay nakagawa ng pefect pass na 7-sa-7 139 yards at 3 TDs, lahat sa ika-apat na quarter. Sa 2005 SEC Championship game laban sa Georgia Bulldogs, ang starting quarterback na si Rusell ay nagkaroon ng injury at si Flynn ang tumapos ng laro. Siya ay pinayagan na maging starter ng koponan ng Tigers sa 2005 Chick-fil-A Peach Bowl laban sa University of Miami Hurricanes. Sa larong iyon , pinamunuan niya ang Tigers sa 40-3 na pagkatalo ng Miami.
Junior season
baguhinMuli siya ay nagsilbi bilang back-up ni Russell, si Flynn ay lumabas sa pitong laro. Siya ay nakakumplet ng 12-sa-20 mga pasa para sa 133 yards sa buong season, nakapagtala din siya ng 2 touchdowns at 1 interception. Ang kanyang 2 touchdowns ay naganap laban sa Kentucky noong October 14, 2006 na natapo sa 49-0 na iskor.[3]
Senior season
baguhinMatapos pumasok ni JaMarcus Russell sa 2007 NFL Draft, si Flynn ay lumabas bilang pinakamalakas na kandidato upang pumalit sa kanya bilang LSU starting quarterback.[1] Bagamat ang coach na si Les Miles ay nagsalita na bibigyan niya pareho ng pagkakataon sina Flynn at Ryan Perrilloux na patunayan ang kanilang sarili, sinabi niya na may lamang si Flynn dahil sa karanasan nito. Noong May 22, 2007, ang LSU head coach na si Les Miles ay sinuspinde si Perriloux sa koponan ng panandalian matapos itong mabigyan ng misdemeanor summons ng mga pulis sa sinasabing pagkakagamit nito sa lisensiya ng kapatid sa pagdadrive upang makapasok sa Hollywood Casino gambling boat, dahil dito si Flynn ay tuluyang naging starter ng koponan.
Trivia
baguhin- Ang ama ni MattFlynn na si Alvin Flynn ay naglaro bilang quarterback sa koponan ng Baylor noong 1960s.[4]
- Si Flynn ang nag-iisang non-starting quarterback sa kasaysayan ng LSU na nakagawa ng three touchdown passes sa isang quarter (vs. North Texas).
Sanggunian
baguhinPanlabas na links
baguhin- Bio on LSUsports.net Naka-arkibo 2009-07-28 sa Wayback Machine.