Si Max Warren (ipinanganak noong 1904) ay isang Ingles na Angglikanong pari, misyonero, bikaryo, at may-akda. Isa siyang kanon (paring sekular) ng Monasteryo ng Westminster sa Inglatera.[3]

Max Warren
Kapanganakan13 Agosto 1904[1]
Kamatayan23 Agosto 1977
MamamayanUnited Kingdom[2]
Trabahopari, Misyonaryo

Talambuhay

baguhin

Isinilang siya sa Dublin, Irlanda. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Cambridge. Noong 1927, naglakbay siya bilang isang misyonero para sa Samahang Misyonero ng Simbahan (Church Missionary Society) ng Simbahang Angglikano. Naging bikaryo siya ng Simbahan ng Banal na Santatlo (Holy Trinity Church) ng Cambridge. Sa paglaon, naging Panlahat na Kalihim siya ng Samahang Misyonero ng Simbahan magpahanggang 1963. Maraming ulit siyang naglakbay sa Estados Unidos.[3]

Bilang isang awtor, inakdaan niya ang mga aklat na The Christian Imperative (Ang Pananagutang Kristiyano) at Challenge and Response (Hamon at Tugon).[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb12186295s; hinango: 10 Oktubre 2015.
  2. http://catalogue.bnf.fr/ark:/12148/cb12186295s; hinango: 27 Marso 2017.
  3. 3.0 3.1 3.2 Patrick O'Donovan; Marcus Cunliffe; Alain Clément; Massimo Salvadori; Sigmund Skard; Peter von Zahn; Max Warren; Herbert von Borch; Raymond Aron (1965). "Max Warren". The United States, Life World Library. Time-Life Books, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), paliwanag ukol sa may-akda ng Kabanata 7: An Opitimistic People's Religious Zeal, pahina 134.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.