Si Marguerite Annie Johnson (nakikilala bilang Maya Angelou; 4 Abril 192828 Mayo 2014) ay isang Amerikanang makata at may-akda. Naglathala siya ng pitong awtobiyograpiya at maraming mga aklat ng panulaan. Ikinakabit sa kaniyang pangalan ang ilang mga dula, mga pelikula, at mga programang pantelebisyon. Tumanggap siya ng ilang dosenang mga gantimpala at mahigit sa tatlumpung honoraryong (pamparangal na) mga degring duktoral. Ipinanganak siya sa St. Louis, Missouri.

Maya Angelou
Kapanganakan4 Abril 1928
  • (Missouri, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan28 Mayo 2014
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahopolitiko, komedyante, mananayaw, prodyuser ng pelikula, produser sa telebisyon, mandudula, direktor ng pelikula, propesor, screenwriter, manunulat, manunulat ng sanaysay, manunulat ng awitin, awtobiyograpo, mang-aawit, artista sa telebisyon, artista sa teatro, mamamahayag, nobelista, aktibista para sa karapatang pantao
Pirma

Namatay siya sa Winston-Salem, North Carolina dahil sa hindi nalalamang mga sanhi habang nasa edad na 86.[1][2][3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Dr. Maya Angelou dead at 86". WXII. Nakuha noong 28 Mayo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Maya Angelou dead at 86". WGHP TV. 28 Mayo 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Abril 2019. Nakuha noong 28 Mayo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Dr. Maya Angelou dead at 86". WXII. 28 Mayo 2014. Nakuha noong 28 Mayo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

baguhin


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.