Mbanza-Ngungu
Ang Mbanza-Ngungu, dating kilala bilang Thysville o Thysstad (mula kay Albert Thys), ay isang lungsod at teritoryo (katumbas ng mga bayan o lungsod sa Pilipinas) sa lalawigan ng Kongo Central sa kanlurang Demokratikong Republika ng Congo. Ito ay nasa maigsing sangay ng Daambakal ng Matadi-Kinshasa. Mayroon itong populasyon ng humigit-kumulang 100,000 katao.
Mbanza-Ngungu | |
---|---|
Mga koordinado: 5°15′S 14°52′E / 5.250°S 14.867°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Kongo Central |
Distrito | Cataractes |
Lawak | |
• Kabuuan | 8,190 km2 (3,160 milya kuwadrado) |
Populasyon (2004) | |
• Kabuuan | 100,000 |
• Kapal | 12/km2 (32/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+1 (WAT) |
Dating kilala bilang isang bayang liwaliwan, ang Mbanza-Ngungu ay tahanan ng Mga Yungib ng Thysville na sumasaklaw sa buong abot ng walang-kulay na Caecobarbus geertsii (African blind barb). Kinaroroonan din ang lungsod ng isang pangunahing kampamento ng FARDC: nakahimpil dito ang 1st Armoured Brigade noong unang bahagi ng dekada-1990.[1] Ang nasabing brigada ay unang naitala sa IISS Military Balance sa edisyong 1982-83, at nangangahulugan ito na maaaring naitatag ang nasabing brigada sa panahong iyon.[2] Ang isa pang pangunahing industriya ng lungsod ay ang inhinyeriang pandaambakal.
Ang lungsod ay pangunahing sityo ng Unibersidad ng Kongo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Ed. by Sandra W. Meditz and Tim Merrill, Country Study for Zaire, 1993, Library of Congress
- ↑ IISS Military Balance 82/83, page 71