Ang Mean Girls ay isang pelikulang Amerikano noong 2004 na sa direksiyon ni Mark Waters. Ang screenplay ay isinulat ni Tina Fey na ibinatay sa kathang-isip na aklat na Queen Bees and Wannabes ni Rosalind Wiseman, na naglalarawan kung paano umiiral ang iba't ibang mga grupo o o social cliques ng mga kababaihan sa paaralan, at ang mga epekto nito sa mga dalaga. Ang bida ng pelikula ay ginampanan ni Lindsay Lohan at tampok din ang mga sumusuportang tauhan na ginampanan nila Rachel McAdams, Amanda Seyfried, Lacey Chabert at Lizzy Caplan. Ang pelikula ay likha ni Lorne Michaels na siya ring gumawa ng Saturday Night Live. Patnugot at kapwa artista sa pelikula na si Tina Fey ay matagal nang artista at manunulat para sa SNL. Tampok din sa pelikula ang ilang mga artista mula sa SNL na sila Tim Meadows, Ana Gasteyer at Amy Poehler.

Mean Girls
DirektorMark Waters
PrinodyusLorne Michaels
IskripTina Fey
Ibinase saQueen Bees and Wannabes
ni Rosalind Wiseman
Itinatampok sinaLindsay Lohan
Rachel McAdams
Lizzy Caplan
Lacey Chabert
Amanda Seyfried
Tina Fey
MusikaRolfe Kent
SinematograpiyaDaryn Okada
In-edit niWendy Greene Bricmont
Produksiyon
TagapamahagiParamount Pictures
Inilabas noong
30 Abril 2004 (2004-04-30)
Haba
96 minuto
BansaEstados Unidos
WikaIngles
Badyet$17 milyon[1]
Kita$129,042,871[1]

Mahusay ang naging pagtanggap ng mga kritiko sa pelikula, at ito ay isang malaking pinansiyal na tagumpay, na kumita ng $129,042,871 sa buong mundo. Pinuri ang Mean Girls bilang papel sa pelikula na nagpasikat kay Lindsay Lohan. Mean Moms, isang quasi-spin-off, batay sa pangalawang aklat ni Wiseman na Queen Bees Moms & King Pin Dads, ay kasalukuyang binubuo.

Balangkas

baguhin

Si Cady Heron (Lindsay Lohan), isang homeschooled 16-taon gulang na anak ng mag-asawang soologo (Ana Gasteyer and Neil Flynn) na nanirahan sa Africa, ay hindi handa para sa kanyang unang araw ng klase sa pampublikong paaralan na North Shore High School sa Evanston, Illinois. Sa tulong ng social outcasts na si Janis (Lizzy Caplan) at si Damien (Daniel Franzese), napag-alaman ni Cady ang tungkol sa iba’t ibang grupo rito. Binalaan siyang umiwas sa pinakaeksklusibong grupo sa paaralan, ang Plastics—ang nangingibabaw na trio ng mga babaeng pinamumunuan ng queen bee nilang si Regina George (Rachel McAdams). Naging matalik na magkaibigan sila Regina at Janis, ngunit noong sila’y nasa ika-8 baitang, naumpisahan nilang kasuklaman ang isa’t isa dahil ipinagkalat ni Regina ang tsismis na si Janis ay isang tomboy. Gayunpaman, inimbitahan ng Plastics si Cady na sumama sa kanila para mananghalian at mamili pagkatapos ng klase. Nang si Cady ay isa natanggap na ng Plastics, nagplano si Janis ng paghihiganti kay Regina, sa pamamagitan ni Cady upang makasalingit sa Plastics.

Nang napagmabuti na ang kanyang sarili ayon sa plano ni Janis, natuklasan ni Cady ang tungkol sa “Burn Book”, isang sikretong kuwaderno ni Regina na puno ng mapanirang alingawngaw, lihim, at tsismis tungkol sa iba pang mga babaeng kamag-aral at guro sa kanilang klase. Hindi katagalan, nahulog ang kalooban ni Cady sa dating kasintahan ni Regina na si Aaron Samuels (Jonathan Benett), na tagumpay namang naagaw muli ni Regina mula kay Cady dahil sa kanyang panibugho sa isang Halloween party. Ngayong galit na si Cady kay Regina, itinuloy niya ang plano ni Janis na lagutin ang kanyang mga kayamanan. Kasama na rito ang paghiwalayin sila ng kasintahan niyang si Aaron, sirain ang kanyang ganda, at patalikurin ang kanyang kapwa Plastics laban sa kanya: ang insecure na mayamang si Gretchen Wieners (Lacey Chabert) at ang malambing ngunit tangang si Karen Smith (Amanda Seyfried). Nag-umpisa si Cady na magpanggap na siya ay bumabagsak sa Matematika upang makuha ang atensiyon ni Aaron, at sa madaling panahon ay pinlano ang pakikipaghiwalay ni Aaron kay Regina sa pamamagitan ng pagtatapat kay Aaron tungkol sa panloloko ni Regina kasama ang isa pang lalaki. Nahikayat din ni Cady si Regina na kumain ng high-calorie nutrition bars (Kalteen) sa pamamagitan ng pagsisinungaling kay Regina na ito ay nakakatulong magpapayat. Naitalikod rin niya si Gretchen laban kay Regina sa pamamagitan ng pagpapaisip kay Gretchen na siya ay mas mabuting kaibigan kaysa kay Gretchen.

Sa proseso ng kanyang paghihiganti kay Regina, unti-unting nawala ni Cady ang kanyang indibiduwalidad at binuo muli ang kanyang sarili sa imahe ni Regina. Naging katotohanan na ang kanyang pagpapanggap: siya’y naging mapangyamot tulad ni Regina, at natalikuran sila Janis at Damien sa mas pagtutok niya sa kanyang sariling imahe. Ngayong si Regina’y naging labis na sa timbang dahil sa pagsabutahe ni Cady sa kanyang diyeta, siya’s inalis sa Plastics at si Cady na ang naging bagong Queen Bee. Upang ipagdiwang ito, siya ay nag-ayos ng isang salu-salo na naging isang malaking pagtitipon kung saan hindi niya inimbita sila Janis at Damien, kung kaya’t itinakwil nila si Cady bilang kanilang kaibigan. Doon din ay naipakita ni Cady kay Aaron ang kanyang hindi kanais-nais na bagong katauhan.

Nang matuklasan ni Regina ang katotohanan tungkol sa nutrition bars na kanyang kinakain, siya ay gumanti sa pamamagitan ng pagpapakalat ng nilalaman ng kanyang Burn Book sa buong paaralan na siyang nagpasimuno ng isang kaguluhan; para hindi siya mapagbintangan, nagdagdag din si Regina ng huwad na paninira sa kanyang sarili sa loob nito, upang maiturong salarin sila Cady, Gretchen, at Karen. Sa huli, napayapa rin ang kaguluhan dahil kay Principal Duvall (Tim Meadows). Napagtanto ng guro sa matematika na si Ms. Norbury (Tina Fey)—na siya ring nasa Burn Book kung saan siniraan siya ni Cady sa pagsulat na siya’y nagtutulak ng droga—ang mga babaeng mag-aaral na silang lahat ay may salang pananakit sa kanilang mga kaibigan. Ipinagtapat at pinahingi niya ng tawad ang bawat dalaga sa mga natirang babae. Dito ipinagtapat ni Janis ang kanyang planong paninira kay Regina sa tulong ni Cady, at doo’y nanggagad kay Regina sa suporta ng buong paaralan. Nagdabog si Regina palabas, na siyang hinabol ng siyang humihingi ng tawad na si Cady, at nabangga ng isang school bus sa kanyang pag-aapura; kumalat ang bali-balitang sinadyang itulak ni Cady si Regina sa harap ng bus.

Ngayo’y wala nang mga kaibigan, iniiwasan ni Aaron, at hindi pinagkakatiwalaan ng lahat ng mag-aaral, nagpasiya si Cady na managutan para sa kabuuang pagsulat ng Burn Book. Bagaman labis siyang naparusahan dahil sa kanyang pag-amin, nagbalik siya sa kanyang tunay na katauhan. Bilang parusa ni Ms. Norbury, pinasali niya si Cady sa Mathletes—ang tinutukoy nila Damien at Regina na isang social suicide—sa kanilang timpalak. Doon, napagtanto ni Cady habang nakikipaglaban sa pangit na babae, na hindi niya mapipigilang talunin siya ng babae sa pamamagitan ng kanyang pangungutya sa kanyang itsura. Nanalo si Cady sa timpalak at nagtungo sa paaralan para sa Spring Fling.

Sa sayawan sa Spring Fling, nanalo si Cady bilang Spring Fling Queen at siya’y nagbigay ng mensahe sa kanyang klase na walang kahulugan ang kanyang pagkapanalo; lahat sila ay may kanya-kanyang ganda at lahat sila ay panalo. Bilang isang makahulugang pagpapahayag, hinati-hati niya ang kanyang korona at ibinahagi ang mga piraso sa kanyang mga kamag-aral. Siya ay nakipagbati kila Janis at Damien, nakipag-ayos kay Aaron, at nagkaroon na ng kapayapaan sa pagitan nila ng Plastics.

Nagtatapos ang pelikula sa paghihiwa-hiwalay ng mga Plastics sa umpisa ng bagong taon: si Regina ay sumali sa lacrosse team para maidirekta ang kanyang galit sa positibong paraan, si Karen ang naging tagapag-ulat ng panahon sa paaralan (sinasabi niyang kayang dibdib kung umuulan), si Gretchen ay sumali sa “Cool Asians” na grupo at naging nangungunang taga-sunod, at si Cady ay naging karelasyon na ni Aaron at tumatambay kasama nila Janis at Damien. Ngayong siya’y gusto na ng mga tao, nawari ni Cady na ang “Girl World” kung saan siya nabubuhay ay payapa na.

Tauhan

baguhin
  • Lindsay Lohan bilang Cady Heron
  • Rachel McAdams bilang Regina George
  • Lacey Chabert bilang Gretchen Wieners
  • Amanda Seyfried bilang Karen Smith
  • Tina Fey bilang Ms. Sharon Norbury
  • Tim Meadows bilang Principal Ron Duvall
  • Jonathan Bennett bilang Aaron Samuels
  • Lizzy Caplan bilang Janis Ian
  • Daniel Franzese bilang Damien
  • Amy Poehler bilang Mrs. George
  • Ana Gasteyer bilang Betsy Heron
  • Neil Flynn bilang Chip Heron
  • Rajiv Surendra bilang Kevin Gnapoor
  • Diego Klattenhoff bilang Shane Oman
  • Michelle Hoffman bilang Kissing Girl

Produksiyon

baguhin

Bagaman ang tagpuan ay sa North Shore ng Chicago, ang pelikula ay kinunan sa Toronto, Ontario, Canada sa Etobicoke Collegiate Institute at Malvern Collegiat Institute. Kasama na sa mga tanyag na lugar ang University of Toronto’s Convocation Hall at Sherway Gardens. Isang tahanan sa Bridle Path ang bahay ni Regina George.

Pagtanggap

baguhin

Sa pangkalahatan, ang pelikula ay mabuting sinuri ng mga kritiko; ang website na may pangkabuuang panunuri na Rotten Tomatoes ay nagbigay ng markang 83% “Fresh” o makabago, batay sa 167 na pagsusuri, at 66% (“Generally favorable reviews” o kanais-nais na pagsuri) sa Metacritic batay sa 39 na panunuri.

Idineklarang madaliang tagumpay ang pelikula matapos itong kumita ng $24,432,195 mula sa 2,839 na teatro, at naging #1 pelikula sa Amerika sa humigit-kumulang $8,606 bawat lugar sa unang linggo ng pagbubukas nito. Ang Mean Girls ay nagtagal sa box office at natapos ang pagpapalabas nito na may $86,058,055 sa Estados Unidos, na may kabuuang kita sa buong mundo na $129,042,871. Sa US, ang pelikulang ito ang ika-24 na pinakamataas ang kita noong 2004.

Sa isang panayam tungkol sa pelikula, sinabi ni Tina Fey: “Adults find it funny. They are the ones who are laughing. Young people watch it like a reality television show. It is much too close to their real experiences so they are not exactly guffawing." Entertainment Weekly put it on its end-of-the-decade, "best-of" list, saying, " "Fetch" may never happen, but 2004's eminently quotable movie is still one of the sharpest high school satires ever. Which is pretty grool, if you ask me"

Noong 2006, binansagan ng Entertainment Weekly ang pelikula bilang ika-12 na pinakamahusay na pelikulang haiskul sa lahat ng panahon at pinaliwanag na nagkaroon ng panahong mas kilala si Lindsay Lohan sa kanyang pag-arte kaysa sa kanyang party-hopping. Ipinagmamalaki rito ang pinakamahusay na pagganap ni Lindsay Lohan sa ngayon, pati narin ang ang breakout turn ni Rachel McAdams bilang kontrabidang queen bee na si Regina George. Bagaman ang Mean Girls ay isang komedya, makatotohanan ang paglalarawan nito sa pagkayamot ng babae laban sa babae.

Mga Parangal

baguhin

Ang pelikula ay nakatanggap ng maraming panalo at nominasyon para sa mga parangal. Ito ay hinirang para sa 13 na Teen Choice Awards, kung saan 4 ang naipanalo. Ito rin ay hinirang para sa 4 na MTV Movie Awards, kung saan nanalo sila ng 3. Hinirang din ang pelikula na maging kandidato para sa WGA Award para sa Best Adapted Screenplay.

Tignan: http://en.wikipedia.org/wiki/Mean_Girls#Awards

Impluwensiya sa Pop Culture

baguhin

Ilang beses ipinahayag ng Pop/R&B na mang-aawit na si Mariah Carey na siya ay taga-hanga ng pelikula, at ginamit pa ang ilang linya mula sa pelikula sa kanyang mga panyam, pinakasikat na ang sa The Ellen DeGeneres Show noong 2005 at sa kanyang opisyal na Twitter updates noong 2009. Nilabas ni Carey ang unang kanta mula sa kanyang album na Memoirs of an Imperfect Angel, na may pamagat na “Obsessed”, na nag-uumpisa sa kanyang pagsabi ng “And I was like, ‘Why are you so obsessed with me?’”, isang linyang binanggit ni Regina sa pelikula. Ibinasura ng kanyang asawa na si Nick Cannon ang mga kuru-kuro at inaming mismong ang pelikula ang inspirasyon para sa kanta.

Soundtrack

baguhin

Ang Mean Girls: Music from the Motion Picture ay inilabas noong 21 Setyembre 2004, pati narin ang DVD ng pelikula. 1. "Dancing with Myself" by The Donnas (Generation X cover) 2. "God Is a DJ" by Pink 3. "Milkshake" by Kelis 4. "Sorry (Don't Ask Me)" by All Too Much 5. "Built This Way" by Samantha Ronson 6. "Rip Her to Shreds" by Boomkat (Blondie cover) 7. "Overdrive" by Katy Rose 8. "One Way or Another" by Blondie 9. "Operate" by Peaches 10. "Misty Canyon" by Anjali Bhatia 11. "Mean Gurl" by Gina Rene and Gabriel Rene 12. "Hated" by Nikki Cleary 13. "Psyché Rock" by Pierre Henry 14. "The Mathlete Rap" by Rajiv Surendra 15. "Pass That Dutch" by Missy Elliot

Ang iba pang maririnig na awit sa pelikula na hindi kasama sa soundtrack ay "Pass That Dutch" by Missy Elliott, "Fire" by Joe Budden featuring Busta Rhymes, "At Seventeen" by Janis Ian, and "Halcyon + On + On" by Orbital.

Home Video Release

baguhin

Ang Mean Girls ay inilabas sa Hilagang Amerika noong 21 Setyembre 2004, limang buwan matapos ito magbukas sa mga teatro. Ipinalabas ito bilang widescreen special collector's edition at fullscreen collector's edition, na parehong naglalaman ng maraming mga binurang eksena, mga pagkakamali,tatlong interstitials, ang theatrical trailer, previews, at tatlong featurettes. Mayroon ding Blu-ray na bersyon ng pelikula na inilabas noong 14 Abril 2009.

Video Game

baguhin

Tignan: http://en.wikipedia.org/wiki/Mean_Girls#Video_game

Stand-alone Sequel

baguhin

Tignan: http://en.wikipedia.org/wiki/Mean_Girls_2

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Mean Girls (2004)". Box Office Mojo. Nakuha noong 23 Enero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Ito ay isa lamang pagsasalin ng orihinal na teksto na matatagpuan sa http://en.wikipedia.org/wiki/Mean_Girls