Media theories on audience effect

Isang aspekto ng pag-aaral tungkol sa midya ay ang epekto nito sa mga tagatangkilik nito. Pinag-aaralan dito kung paano nakakaapekto ang panonood at pakikinig sa midya sa pang araw-araw na kabuhayan ng mga audience.

Ang sumusunod ay mga teoryang binuo ng mga iskolar ng midya ukol sa epekto ng midya sa lipunan:

Hypodermic Needle Theory

baguhin

Sinasabi nito na ang lahat ng naririnig at nakikita ng audience sa midya ay tinatanggap nito nang buong-buo.

Two-step flow of media

baguhin

Sinasabi nito na ang mga audience na may direktang access sa midya ang siyang nagpapalaganap ng mga bagay na pinapahayag ng midya, ayon sa kanyang sariling pagkaunawa dito.

Uses and Gratifications Theory

baguhin

Kinukuha lamang ng audience ang mga bagay na makakatulong sa kanya habang siya ay nanonood o nakikinig sa midya. Ang mga bagay na nakikitang niyang walang maaaring itulong sa kanya ay hindi niya binibigyan ng halaga.

Reception Theory

baguhin

Ini-interpret ng audience ang nakikita at naririnig nila sa midya ayon sa kanilang mga pinagdaanan at kulturang kinalakhan.

Mga Sanggunian

baguhin



  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.