Ang Meet Dave ay isang 2008 na pampamilyang pelikulang komedya na binuo sa direksiyon ni Brian Robbins na pinangunahan ni Eddie Murphy. Ang pelikula ay isinulat ni Bill Corbett at Rob Greenberg.[1][2] Ang pelikula ang ipinalabas ng 20th Century Fox at Regency Enterprises noong 11 Hulyo 2008.[1]

Meet Dave
Promosyonal na Paskil
DirektorBrian Robbins
PrinodyusJon Berg
David T. Friendly
Todd Komarnicki
SumulatRob Greenberg
Bill Corbett
Itinatampok sinaEddie Murphy
Elizabeth Banks
Gabrielle Union
Ed Helms
Scott Caan
Kevin Hart
MusikaJohn Debney
SinematograpiyaJ. Clark Mathis
In-edit niNed Bastille
Produksiyon
Regency Enterprises
Friendly Films
Dune Entertainment
Guy Walks Into a Bar Productions
Deep River Productions
Tagapamahagi20th Century Fox
Inilabas noong
  • 11 Hulyo 2008 (2008-07-11)
Haba
90 minuto
BansaEstados Unidos
WikaIngles
Badyet$58 milyon
Kita$50,650,079

Mga Tauhan

baguhin

Balangkas

baguhin

Sa kanyang apartment sa lungsod ng New York, isang batang lalake sa ngalan ni Josh Morrison (Austyn Lind Myers) ay sinusubaybayan ang isang nahuhulog na bagay mula sa langit sa kanyang telescopo. Isang bakal na bola na kasing liit lamang ng bola sa golpo ang nahulog sa kanyang fishbowl, at agarang hinigop ang tubig nito. Pinagdesisyunan niya ipakita ito sa presentasyon sa kanilang klaseng pang-agham sa kanyang paaralan.

Ilang buwan ang nakakaraan isang spaceship ang bumagsak sa pulo ng Liberty. Ipinakita na ang anyo ng spaceship ay parang tao (Eddie Murphy), nakinokontrol ng 100 na maliliit na alieng humanoid. Ang Kapitan (ginampanan rin ni Murphy) ang nagpipiloto ng spaceship mula sa loob ng ulo ng spaceship, sa tulong ng kanyang pangalawang opisyal na si Number 2 (Ed Helms), at tagapagsaliksik na si Number 3 (Gabrielle Union). Ang spaceship ay mukhang totoong tao, ngunit hindi alam ng mga alien kung paanong makibagay sa lipunan at ang spaceship ay may iba't ibang kakayahang pambihira. Isang mapamahiing pulis na si Dooley (Scott Caan) ay desperadong hinahanap ang alien.

Kailangan mailigtas ng mga alien ang Nil, ang kanilang planeta, sa krisis sa kuryente. Kailangan nila ng asin, na pinaplano nilang kunin mula sa mga karagatan ng daigdig gamit ang bolang metal, kaya kailanfan nila ito muling makuha. Pagkatapos mabangga ang spaceship ng ina ni Josh na si Gina Morrison (Elizabeth Banks) ng kanyang kotse, nakipagkaibigan ang Kapitan kina Gina at Josh, at nagpakilala na ang kanyang pangalan ay Dave Ming Cheng, base sa mabilisang paghahanap ng mga pinaka-pangkaraniwang pangalan sa buong mundo, at sa komento ni Gina na mas mukha siyang isang Dave kaysa sa isang Ming Cheng. Nakita ng mga alien ang kanilang nawawalang bola sa isang litratong kinuha sa presentasyong pang-agha,. Pagkatapos mag-almusal kasama ni Gina, pumunta si "Dave" sa paaralan ni Josh at nagpanggap bilang pamalit na guro at nakausap niya si Josh ng masinsinan. Sinabi ni Josh na kinuha ang bola ng isang bully. Sa tulong ni Josh, kinuha ni Dave ang bolang metal mula sa bully.

Ang Kapitan (sa pamamagitan ni Dave) ay naglaan ng oras kasama nila Josh at Gina at napagtanto na ang mga tao ay mas komplikado kaysa sa inisip nila. Napagdesisyunan niya na huwag na higupin ang mga karagatan dahil ito ay ikakamatay ng buhay sa Daigdig. Nahanap ng pulis si Dave gamit ang impresyon ng kanyang mukha sa lupa sa pinagbagskan ng spaceship at inaresto siya. Sa tagal ng kanilang ginulgol na oras sa Daigdig, karamihan sa tripulante ay napagtanto na mayroon silang mga bagong "nararamdaman". Isang halimbawa ay si Number 4, ang security guard, ay napagtanto na isa siyang bakla. Napagdesisyunan ni Number 2 na ang pagbabago ng ugali ng kapitan at ang buong ng tripulante ay hindi katanggap-tanggap ay naghimagsik at ikinulong ang kapitan. Sa ilalim ng kontrol ni Number 2, tumakas si Dave sa estasyon ng pulis at sinubukang ng pulisya na iaresto siya muli. Si Number 3, na nagkaroon ng pagkagusto sa Kapitan, ay nagselos kay Gina. Sa una, nakikisama siya kay Number 2 ngunit siya ay mamayang pumayag sa pananaw ng Kapitan sa mga tao. Nahuli ang parehas, at sila ay ipinaalis sa spaceship. Samantala si, Number 17 (Kevin Hart), na nalasing sa alcohol na ininum ni Dave, ay tumakas. Ang kapitan ay humingi ng tawad kay Number 3 sa hindi pagpapansin nito. At inamin niya na mahal niya rin si Number 3 at nais niyang makasama siya. Sa estasyon ng pulis, natagpuan Dooley si Number 17 sa kanyang kape at tinanong siya kung saan papunta si Dave.

Dinala ni Number 2 si Dave sa daungan, at sinubukang itapon ang bolang metal sa karagatan, ngunit napigilan ng Kapitan at ni Number 3, na nakapasok muli sa spaceship. Kunumbinsi nila ang buong tripulante na ang totoong Kapitan ay ang nakabilin muli sa spaceship. Muling nakontrol ang spaceship, ipinagutos niya na si Number 2 ay ilagay sa kanyang "pwet" ng habang buhay. Ang bolang metal ay nahulog mula sa kamay ni Dave at gumulong papunta sa karagatan. Sinubukang ibalik ito ng Kapitan ngunit siya ay pinagsabihan na mayroon na lamang silang enerhiyang ibalik ang bola o umuwi sa Nil. Pinagdesiyunan ng Kapitan na iligtas ang daigdig at pumayag ang buong tripulante. Ang bola ay naibalik ngunit nawalan ng enerhiya si Dave at tinutukan siya ng baril nina Doodley at ng kanyang kasamang pulis. Dahil ubos na ang enerhiya, ang panangga ni Dave ay hindi maaring gamitin, kaya walang kalaban-laban ang buong tripulante. Sinukang ikumbinsi ni Josh ang mga pulis na hindi mapanganib ngunit siya ay hindi pinansin. Inagaw ni Josh ang taser ni Doodley at ginamit ito kay Dave, at ibinalik nito ang enerhiya ni Dave. Ang Kapitan at si Number 3 ay nagpakita sa mga pulis, na binaba ang kanilang mga baril. Nagpaalam ang kapitan kina Josh at Gina at sinabi na nauunawaan niya na ang pag-ibig. Pinayagang bumalik si Number 17 sa spaceship. Nang papalipad palang ang spaceship, isang grupo mula sa FBI ay dumating at bumabato ng lambat kay Dave. Habang napabagsak ng mga taga-FBI ang katawan ng spaceship, Ang tripulante ni "Dave" ay pumunta sa sapatos nitong "lifeboat", at ipanaandar ang makinarya, at humiwalay ang sapatos sa katawan ng spaceship at bumalik sa Nil. Habang nasa lifeboat, itinanong ng Kapitan kung nais ni Number 3 na magpakasal sa kanya. Pumayag si Number 3 at sila ay naghalikan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Rechtshaffen, Michael (11 Hulyo 2008). "Eddie Murphy falls to Earth in misguided comedy". Reuters.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. "Biography of Bill Corbett". RiffTrax. Nakuha noong 2007-05-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)