Mekanika ng estadistika

(Idinirekta mula sa Mekaniks na makaestadistika)

Ang mekanika ng estadistika (Ingles: statistical mechanics) ay ginagamit sa pisika.[1] Ito ay pag-aaral sa mga nangyayari kapag nakipag-ugnayan ang maraming mga particles.[2] May kaugnayan ito sa Newtonian mechanics, relativity, quantum mechanics, at quantum field theory.[1]

Layunin ng mekanika ng estadistika

baguhin

Layunin ng mekanika ng estadistika na ipaliwanag ang mga macroscopic na kilos (Ingles: macroscopic behaviors) na matatagpuan sa mga pisikal na sistema base sa mga nagbabagong batas (Ingles: dynamic laws) na gumagabay sa mga microscopic constituents ng mga pisikal na sistema at sa mga probabilistikong palagay tungkol dito.[3] Nagbibigay ang mekanika ng estadistika ng pundasyon at katwiran kung bakit gumagana ang termodinamika (Ingles: thermodynamics).[2] Sa halip na unibersal na ugnayan na ibinibigay ng termodinamika, ang mekanika ng estadistika ay nagbibigay ng paraan para kalkulahin ang mga katangian ng mga partikular na bagay.[2] Ipinaliliwanag din ng mekanika ng estadistika ang mga isyu na hindi naipapaliwanag ng termodinamika.[4]

Ang mekanika ng estadistika na Boltzmannian

baguhin

Ang mekanika ng estadistika na Boltzmannian (Ingles: Boltzmannian statistical mechanics o BSM), ay nagsimula sa diskarte na unang ipinakilala ni Boltzmann noong 1877.[3] Nakasaad sa BSM na ang anumang pagbabago na mangyayari sa macro state ng isang sistema ay kailangang may kasamang pagbabago sa micro state ng sistemang ito.[3]

Ang mekanika ng estadistika na Gibbsian

baguhin

Ang mekanika ng estadistika na Gibbsian (Ingles: Gibbsian statistical mechanics o GSM) ay susumusunod sa mga ipinahayag ni Gibbs.[3] Ang GSM ay gumagamit ng probability density function o distribution sa halip na macro state.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Miller, Noah (Disyembre 27, 2018). "A Crash Course in Statistical Mechanics" (PDF). Scholars at Harvard. The President and Fellows of Harvard College. Nakuha noong Disyembre 30, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Swendsen, Robert H. (2012). An Introduction to Statistical Mechanics and Thermodynamics. Oxford University Press, University of Oxford. ISBN 9780199646944.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Frigg, Roman; Werndl, Charlotte (2024), Zalta, Edward N.; Nodelman, Uri (mga pat.), "Philosophy of Statistical Mechanics", The Stanford Encyclopedia of Philosophy (ika-Spring 2024 (na) edisyon), Metaphysics Research Lab, Stanford University, nakuha noong 2024-01-11{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  4. "Introduction to the basic elements of STATISTICAL MECHANICS" (PDF). Reed College. Reed College. Nakuha noong Disyembre 31, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)