Mekanika ng estadistika
Ang mekanika ng estadistika (Ingles: statistical mechanics) ay ginagamit sa pisika.[1] Ito ay pag-aaral sa mga nangyayari kapag nakipag-ugnayan ang maraming mga particles.[2] May kaugnayan ito sa Newtonian mechanics, relativity, quantum mechanics, at quantum field theory.[1]
Layunin ng mekanika ng estadistika
baguhinLayunin ng mekanika ng estadistika na ipaliwanag ang mga macroscopic na kilos (Ingles: macroscopic behaviors) na matatagpuan sa mga pisikal na sistema base sa mga nagbabagong batas (Ingles: dynamic laws) na gumagabay sa mga microscopic constituents ng mga pisikal na sistema at sa mga probabilistikong palagay tungkol dito.[3] Nagbibigay ang mekanika ng estadistika ng pundasyon at katwiran kung bakit gumagana ang termodinamika (Ingles: thermodynamics).[2] Sa halip na unibersal na ugnayan na ibinibigay ng termodinamika, ang mekanika ng estadistika ay nagbibigay ng paraan para kalkulahin ang mga katangian ng mga partikular na bagay.[2] Ipinaliliwanag din ng mekanika ng estadistika ang mga isyu na hindi naipapaliwanag ng termodinamika.[4]
Ang mekanika ng estadistika na Boltzmannian
baguhinAng mekanika ng estadistika na Boltzmannian (Ingles: Boltzmannian statistical mechanics o BSM), ay nagsimula sa diskarte na unang ipinakilala ni Boltzmann noong 1877.[3] Nakasaad sa BSM na ang anumang pagbabago na mangyayari sa macro state ng isang sistema ay kailangang may kasamang pagbabago sa micro state ng sistemang ito.[3]
Ang mekanika ng estadistika na Gibbsian
baguhinAng mekanika ng estadistika na Gibbsian (Ingles: Gibbsian statistical mechanics o GSM) ay susumusunod sa mga ipinahayag ni Gibbs.[3] Ang GSM ay gumagamit ng probability density function o distribution sa halip na macro state.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Miller, Noah (Disyembre 27, 2018). "A Crash Course in Statistical Mechanics" (PDF). Scholars at Harvard. The President and Fellows of Harvard College. Nakuha noong Disyembre 30, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Swendsen, Robert H. (2012). An Introduction to Statistical Mechanics and Thermodynamics. Oxford University Press, University of Oxford. ISBN 9780199646944.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Frigg, Roman; Werndl, Charlotte (2024), Zalta, Edward N.; Nodelman, Uri (mga pat.), "Philosophy of Statistical Mechanics", The Stanford Encyclopedia of Philosophy (ika-Spring 2024 (na) edisyon), Metaphysics Research Lab, Stanford University, nakuha noong 2024-01-11
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Introduction to the basic elements of STATISTICAL MECHANICS" (PDF). Reed College. Reed College. Nakuha noong Disyembre 31, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)