Sa mitolohiyang Griyego, si Memnon (Griyego: Mέμνων) ay isang haring Etiyopiyano at anak na lalaki ni Haring Tithonus (o Titon) ng Etiyopiya at Eos (kilala rin bilang Aurora), ang diyosa ng madaling-araw o bukang-liwayway. Isa siyang bayani sa Digmaan ng Troya. Pinamunuan niya ang isang malaking hukbong pangkatihan upang tulungan si Haring Priam ng Troya. Pinaslang niya si Antilochus, ang lalaking anak ng pinuno ng mga Griyegong si Nestor. Sa bandang huli, napatay ni Achilles si Memnon, bilang paghihiganti ni Achilles dahil sa pagkamatay ni Nestor.[1] Bilang isang mandirigma, itinuturing na magkatumbas sa kasanayan sina Memnon at Achilles. Maihahambing ang kamatayan ni Memnon sa kamatayan ni Hector, na isa ring mandirigmang tagapagtanggol ng Troya na napatay din ni Achilles, dahil naman sa paghihiganti ni Achilles dahil sa pagkapaslang ni Hector kay Patroclus, isang kasamahang mandirigma ni Achilles. Pagkaraan ng kamatayan ni Memnon, naawa si Zeus dahil sa pagtangis Eos, kaya't binigyan ni Zeus si Eos ng buhay na walang-hanggan.

Si Memnon.

Kaugnay ang kamatayan ni Memnon ng nawawalang epikong Aithiopis (o Aethiopis), na isinulat pagkaraan ng Ang Iliada noong bandang ika-7 daang taon BK. Itinala ni Quintus ng Smyrna ang kamatayan ni Memnon sa Posthomerica. Inilarawan din ang kamatayan ni Memnon sa Imagines ni Philostratus.

May isang estatuwang itinalaga para kay Memnon sa Ehipto, na sinasabing nagpapakawala ng isang matugtuging tunog tuwing pagsikat ng araw.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977. {{cite ensiklopedya}}: Missing or empty |title= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik M, pahina 589.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.