Mentuhotep II
Si Nebhepetre Mentuhotep II (na naghari noong 2046 BCE – 1995 BCE) ang paraon ng Ikalabingisang Dinastiya ng Ehipto na naghari sa loob ng 51 taon. Noong kanyang ika-39 taon sa trono, kanyang muling pinag-isa ang Ehipto na nagwakas sa Unang Pagitang Panahon ng Ehipto kaya siya ay itinuturing na unang paraon ng Gitnang Kaharian ng Ehipto. Nang siya ay umupo sa trono, kanyang minana ang malawak na lupaing sinakop ng kanyang mga predesesor mula sa unang katarata sa timog hanggang sa Abydos at Tjebu sa hilaga. Ang unang 14 taon ni Mentuhotep II ay tila mapayapa sa rehiyong Theban dahil walang natitirang mga bakas ng alitan na mapepetsa sa panahong ito. Sa kanyang ika-14 taon ng paghahari, ang isang paghihimagsik ay nangyari sa hilaga. Ang paghihimagsik na ito ay malamang nauugnay sa patuloy na alitan sa pagitan ni Mentuhotep II na nakabase sa Thebes at sa katunggaling ika-10 dinastiya na nakabase sa Herakleopolis na nagbantang sasakupin ang Itaas na Ehipto. Ang taong ito ng paghahari ni Mentuhotep ay pinangalanang Taon ng krimen ng Thinis. Ito ay tiyak na tumutukoy sa pananakop ng rehiyong Thinite ng mga haraing Herakleopolitano na sumalakay sa sagradong sinaunang maharlikang necropolis sa Abydos. Kalaunang pinadala ni Mentuhotep II ang kanyang mga hukbo sa hilaga. Ang sikat na libingan ng mga mandirigma sa Deir el-Bahari na natuklasan noong mga 1920 ay naglalaman ng nabalutan ng linong hindi mummipadong mga katawan ng 60 sundal na lahat ay napatay sa digmaan. Ang kanilang damit pamburol ay nagdadala ng cartouche ni Mentuhotep II. Dahil sa pagiging malapit nito sa mga libingang maharlika sa Thebes, ang libingan ng mga digmaan ay pinaniniwalaang ng mga bayani na namatay sa alitan sa pagitan nina Mentuhotep II at kanyang mga kalaban sa hilaga. Si Merykara na pinuno ng Mababang Ehipto sa panahong ito ay maaaring namatay sa labanang ito na karagdagang nagpahina ng kanyang kaharian at nagbigay kay Mentuhotep ng pagkakataon na muling pag-isahin ang Ehipto. Ang eksaktong petsa na nakamit ito ay hindi alam. Ang ebidensiya ay nagpapakita na ang proseso ay tumagal marahil ay sanhi ng pangkalahatang kawalang seguridad ng bansa sa panahong ito. Ang mga karaniwang tao ay inilibing kasama ng mga sandata. Ang stelae na puneraryo ng mga opisyal ay nagpapakita sa mga itong humahawak ng mga sandata sa halip na sa karaniwang regali. Nang ang kahalili ni Mentuhotep II ay nagpadala ng ekspedisyon sa Punt mga 20 taon pagkatapos ng muling pag-iisa, kanilang linisin ang Wadi Hammamat ng mga rebelde.
Mentuhotep II | |
---|---|
Pharaoh | |
Paghahari | ca. 2061–2010 BC (estimates vary) (11th dynasty) |
Hinalinhan | Intef III |
Kahalili | Mentuhotep III |
Konsorte | Tem, Neferu II, Ashayet, Henhenet, Kawit, Kemsit, Sadeh |
Anak | Mentuhotep III |
Ama | Intef III |
Ina | Iah |
Namatay | 1995 BC |
Libingan | mortuary temple at Deir-el-Bahri |
- ↑ XIth Dynasty
- ↑ Peter Clayton: Chronicle of the Pharaohs: The Reign-by-Reign Record of the Rulers and Dynasties of Ancient Egypt, Thames & Hudson, p. 72. 2006. ISBN 0-500-28628-0
- ↑ Alan H. Gardiner: The royal canon of Turin.