Mga Batas (dialogo)


Ang Mga Batas (Griyego: Νόμοι, Nómoi; Latin: De Legibus[1]) ay ang huli at pinakamahabang dialogo ni Platon. Ang pag-uusap na inilalarawan sa labindalawang libro ng likha ay nagsisimula sa tanong kung sino ang binigyan ng karangalan para sa pagtatatag ng mga batas ng lungsod. Ang mga pagwawari-wari nito sa etika ng pamahalaan at batas ay itinatag ito bilang isang klasikong pilosopiyang pampulitika kasabay ng mas nabasang akda ni Platon na Republika.

Sa pangkalahatan sumasang-ayon ang mga iskolar na isinulat ni Plato ang dayalogo na ito sa kanyang pagtanda, sa kanyang kabiguan sa Syracuse sa isla ng Sisilia na gabayan ang isang malupit na pinuno na si Dionysius, na sa halip ay itinapon siya sa bilangguan. Ang mga kaganapang ito ay binanggit sa Ikapitong Liham. Kapansin-pansin ang teksto dahil ito lamang ang diyalogo ni Platon na hindi itinampok si Socrates.

Tagpuan

baguhin

Hindi tulad ng karamihan ng mga dialogo na isinulat ni Platon, si Socrates ay hindi makikita sa Mga Batas: ang diyalogo ay naganap sa isla ng Kreta. Sa mga kasulatan ni Platon, si Socrates ay ipinakita sa labas ng Atenas dalawang beses lamang: sa Phaedrus, kung saan nasa labas lang siya sa pader n lungsod, at sa Republika, kung saan siya pumunta sa daungan, ang Piraeus, walong kilomtro lamang mula sa Atenas. Sa halip, ang pag-uusap ay pinangungunahan ng isang taga-Atenas na Estranghero (Griyego: ξένος, romanisado: xenos) at dalawa pang matanda na lalaki, ang ordinaryo na mamamayan na Spartan na si Megillos, at ang pulitiko na Kretan at mambabatas na si Klinias mula sa Knossos.

Ang Estrangherong Athenian, na kahawig si Socrates subali't ang pangalan niya ay hindi kailanman ibinanggit, ay sumali sa banal na perigrinasyon ng dalawang ginoo mula sa Knossos patungo sa kweba ni Zeus. Ang buong dialogo ay naganap sa paglalakbay na ito, na tila ginagaya ang aksyon ni Minos: na ayon sa mga Kretan ay nagbigay sa kanilang mga sinaunang batas, na lumakad sa landas na iyon bawat siyam na taon upang tanggapin ang mga kautosan ni Zeus. Sinasabi rin sa diyalogo na ito ang pinakamahabang araw ng taon, bagkus ang makapal na labindalawang kabanata.

Sa pagtatapos ng ikatlong libro ay inihayag ni Klinias na nabigyan siya ng tungkulin na lumikha ng mga batas para sa isang bagong kolonya ng mga Kretan, at nais niya ang tulong ng Estrangherong Athenian. Ang natitirang diyalogo ay nagpapatuloy sa tatlong matandang lalaki, na naglalakad patungo sa yungib at gumagawa ng mga batas para sa bagong lungsod na ito na tinawag na lungsod ng mga Magnetes (o Magnesia).[2][3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Henri Estienne (ed.), Platonis opera quae extant omnia, Vol. 2, 1578, p. 703.
  2. Cf. Plato, Laws. Book VIII, 848D. "And if there exist any local deities of the Magnetes or any shrines of ancient gods whose memory is still preserved, we shall pay to them the same worship as did the men of old. ...". A footnote in the Loeb Classical Library 1926 edition, translated by R.G. Bury, says: "The original inhabitants of the site of Clinias's new colony (cp. 702 B, 860 E); they subsequently migrated to Magnesia in Asia Minor".
  3. Hunter, Virginia, "Plato's Prisons", in Greece & Rome journal, v.55, n.2, October 2008, pp.193–201