Krimen

(Idinirekta mula sa Mga kriminal)

Ang krimen, kabuhungan o sala ay isang gawaing mapaparusahan ng batas o itinuturing na masamang gawain.[1] Isa itong paglabag sa pangkaraniwang batas o batas publiko (halimbawa na ang itinatadhana ng Kodigo Penal o Binagong Kodigo Penal o sistemang legal). Maaari rin itong isang pagtrato o kalagayang hindi makatarungan o hindi makabatas.[2] Mabibigyang kahulugan din ito bilang isang maling gawaing itinuturing ng isang estado o ng Kongreso bilang isang pelonya (felony sa Ingles)[2] o isang kasalanang hindi gaanong mabigat (misdemeanor sa Ingles, na may kahulugang "pag-uugaling masama"[3]) na ang parusa ay maaaring multa o pagkakakulong sa lokal na kulungan.[2] Sa pangkalahatang diwa, ang krimen ay kinabibilangan ng lahat ng mga paglabag, subalit sa diwang limitado ay nakatuon lamang sa pelonya.[4]

Sina Katarungan at Paghihiganting Banal habang tinutugis si Krimen  — isang larawang ipininta ni Pierre-Paul Prud'hon noong 1808.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Crime, wordnetweb.princeton.edu
  2. 2.0 2.1 2.2 Gaboy, Luciano L. Crime, krimen, sala; misdemeanor; felony - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Blake, Matthew (2008). "Misdemeanor". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Crime Naka-arkibo 2010-06-15 sa Wayback Machine., lectlaw.com

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.