Sakit sa puso

(Idinirekta mula sa Mga sakit sa puso)

Ang sakit sa puso (Ingles: heart disease, cardiovascular disease; katawagang medikal: cardiopathy)[1] ay isang pangkat ng katawagan para sa iba't ibang sakit na dumadapo sa puso. Noong 2007, ito ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa Estados Unidos,[2][3] Inglatera, Canada at Wales,[4] na pinapatay ang isang tao sa bawat 34 segundo sa Estados Unidos pa lamang.[5] Bilang dagdag, ang pariralang "sakit sa puso" ay isang pangkalahatang katawagan sa anumang karamdamang may pangunahing kaugnayan sa puso, na may pananagutan sa pagdaloy ng dugo na may dalang nutrisyon papunta sa mga bahagi ng katawan. Ang mga karamdamang ito ng puso ay maaaring magkakapatung-patong na mga kalagayan. Mayroong mga sakit sa puso na maaaring masupil o hindi lumala kung maaagapan ng tamang paglunas, siruhiya o pag-iwas.[1]

Sakit sa puso
Mikrograpo ng isang puso na mayroong pibrosis (dilaw) at amyloidosis (kayumanggi). Mantsa ni Movat.
EspesyalidadKardiolohiya Edit this on Wikidata

Mga uri ng sakit sa puso

baguhin

Maaaring ikategorya ang mga sakit sa puso ayon sa mga sumusunod:

  • Sakit sa puso mula sa pagkapanganak (congenital heart disease o acquired heart disease): ang ganitong uri ng sakit sa puso ay nagsisimula habang nabubuo pa lamang ang puso kapag ang sanggol ay nasa loob pa ng sinapupunan ng kaniyang ina. Maaaring makita na kaagad ang mga sintomas na ang bata ay mayroong sakit sa puso sa oras na naipanganak na, katulad ng pangingitim o pangangasul ng kulay ng balat ng sanggol; subalit maaaring hindi lumabas ang mga palatandaang ito kaagad at lilitaw lamang kapag lumaki na ang bata o kaya ay nasa kaniya nang kahustuhan ng gulang o nasa katandaan na.[1]
  • Sakit sa mga balbula ng puso (valvular heart disease): ang ganitong uri ng sakit sa puso ay kinasasangkutan ng pagkakaroon ng suliranin sa mga balbula ng puso na sumasara at bumubukas tuwing titibok ang puso. Kabilang sa mga sakit sa mga balbula ng puso ang aortic stenosis at ang mitral regurgitation. Isa sa maaaring sanhi ng sakit sa mga balbula ng puso sa mga bata ay ang lagnat na reumatiko.[1]
  • Sakit ng masel ng puso (cardiomyopathy): ang ganitong uri ng sakit sa puso ay maaaring maging sanhi ng labis na pag-inom ng alak, ng mga gamot, ng mga ipinagbabawal na mga gamot (droga), ng impeksiyon at iba pa.[1]
  • Sakit sa ugat ng puso (coronary heart disease): ang ganitong uri ng sakit sa puso ay may kaugnayan sa pagbabara ng mga ugat na nagdadala ng dugo sa puso mismo, na humahantong sa kakulangan ng dugo na dumarating sa puso. Isang sintomas ng pagkakaroon ng ganitong kalagayan ay ang pagkamadaling mapagod kapag gumagawa ng mga mahihirap na gawaing pisikal. Sa paglala ng sakit sa ugat ng puso, ang tao na mayroong ganitong katayuan ay maaaring atakihin sa puso. Kabilang sa ganitong uri ng sakit sa puso ang sakit na dulot ng kakulangan ng dugo sa puso (ischemic heart disease).[1]
  • Sakit sa puso na sanhi ng altapresyon (hypertensive heart disease): ang ganitong uri ng sakit sa puso ay may kaugnayan sa hindi makontrol na hipertensiyon o altapresyon, kaya't maaaring makaapekto sa puso.[1]
  • Panghihina ng puso (heart failure): sa ganitong uri ng sakit ng puso, hindi na nakakaya ng puso ang tama at walang suliranin na pagpapadaloy ng dugo sa katawan. Maaari itong dahil sa mga nabanggit nang iba pang mga sakit sa puso, o kaya ay dahil sa nangyaring atake sa puso.[1]
  • Pamamaga ng puso (inflammatory heart disease): anga ganitong uri ng sakit sa puso ay maaaring dahil sa katayuan ng pagkakaroon ng impeksiyon, na katulad ng infective endocarditis o maimpeksiyong pamamaga ng panloob ng tisyu ng puso.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 1.8 SAKIT SA PUSO : KAALAMAN, KALUSUGAN PH
  2. Division of Vital Statistics; Arialdi M. Miniño, M.P.H., Melonie P. Heron, Ph.D., Sherry L. Murphy, B.S., Kenneth D. Kochanek, M.A. (2007-08-21). "Deaths: Final data for 2004" (PDF). National Vital Statistics Reports. Estados Unidos: Center for Disease Control. 55 (19): 7. Nakuha noong 2007-12-30. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong); Italic or bold markup not allowed in: |journal= (tulong); Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. Balita ng White House, American Heart Month, 2007, nakuha noong 2007-07-16{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. National Statistics Press Release Mayo 25, 2006
  5. Hitti, Miranda (2004-12-07). "Heart Disease Kills Every 34 Seconds in U.S.". Fox News - WebMD. Nakuha noong 2007-12-30.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)