Sistema ng impormasyon

(Idinirekta mula sa Mga sistemang pang-impormasyon)

Ang sistema ng impormasyon o sistema ng kabatiran (Ingles: information system, dinadaglat na IS)[1] ay isang kumbinasyon ng teknolohiya ng impormasyon at mga gawain ng tao na sumusuporta sa mga operasyon o pagpapaandar, pamamahala at paggawa ng kapasyahan.[2] Sa malawakang diwa, ang katagang sistema ng impormasyon ay kadalasang ginagamit upang tumukoy sa interaksiyon sa pagitan ng mga tao, mga proseso, dato at teknolohiya. Sa ganitong diwa, ang kataga ay ginagamit upang tukuyin hindi lamang ang teknolohiya ng impormasyon at komunikasyon (kilala sa Ingles bilang information and communication technology o ICT) na ginagamit ng isang organisasyon, subalit pati na rin sa paraan na ginagamit ng mga tao upang makipag-ugnayan sa ganitong teknolohiya bilang pagsuporta sa mga prosesong pangnegosyo.[3]

Mga sangkap

baguhin

Ang sistema ng impormasyon ay binubuo ng limang saligang napagkukunan:[4]

  1. Mga tao, na binubuo ng mga espesyalista sa teknolohiya ng impormasyon (katulad ng Tagapangasiwa o Administrador ng Kalipunang Pangdato o Inhinyero ng Network) at mga panghuling tagagamit (mga end-user, katulad ng Klerk na Tagapaghuli ng Dato).[4]
  2. Hardware, na binubuo ng lahat ng mga aspetong pisikal ng isang sistema ng impormasyon, na sumasaklaw sa mga periperal hanggang sa mga bahagi ng kompyuter at mga tagapaghain o mga server.[4]
  3. Software, na binubuo ng mga sistema ng sopwer (system software, sistema ng aplikasyon (application software) at sopwer ng kagamitan (utility software).[4]
  4. Data, na binubuo ng lahat ng kaalaman at mga database o kalipunan ng dato na nasa loob ng sistema ng impormasyon.[4]
  5. Mga network o "lambat ng gawain", na binubuo ng mga midya ng komunikasyon at suporta na pangnetwork.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Definition of Application Landscape". Software Engineering for Business Information Systems (sebis). Ene 21, 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 5, 2011. Nakuha noong Enero 14, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "SEI Report, "Glossary"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-03. Nakuha noong 2007-09-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kroenke, D M. (2008). Experiencing MIS. Prentice-Hall, Upper Saddle River, NJ
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 O'Brien,James.; Marakas, George, Introduction to Information Systems 15th Edition. McGraw-Hill, 2010, p. 31