Michael Halliday
Si Michael Alexander Kirkwood Halliday ay isang lingwista na pinanganak sa Inglatera.
Michael Halliday | |
---|---|
Kapanganakan | 13 Abril 1925
|
Kamatayan | 15 Abril 2018[1]
|
Mamamayan | United Kingdom Australya |
Nagtapos | Unibersidad ng Peking Pamantasan ng Londres |
Trabaho | lingguwista, pilosopo, pedagogo, propesor ng unibersidad |
Sa pag-aaral ng wika ng mga bata
baguhinNoong 1975, nilista ni Halliday ang pitong tungkulin ng wika kapag ito'y inaaral ng mga bata.
Instrumental
baguhinAng instrumental na tungkulin ng wika ay ang paggamit nito upang maipahayag ang kanilang mga kagustuhan o pangangailangan.
Regulatory
baguhinAng regulatoryong tungkulin ng wika ay ginagamit upang magsilbing gabay sa mga pangyayaring nagaganap.
Interactive
baguhinAng interaksiyonal na tungkulin ng wika ay ang paggamit ng wika bilang isang pamamaraan ng komunikasyon. Sa interaksyunal na tungkulin ng wika, nakakapagtatag ang ibat ibang tao ng relasyong sosyal.
Personal
baguhinAng personal na tungkulin ng wika ay ang paggamit ng wika upang mailahad at mapahalagahan ang anumang preperensya o pagkakakilanlan ng tao.
Impormatibo
baguhinAng Impormatibo na tungkulin ng wika ay ang paggamit ng wika para sa pagkalat ng impormasyon.
Heuristika
baguhinAng heuristikang tungkulin ng wika ay ang paggamit ng wika upang maunawaan ang nangyayari sa kapaligiran.
Imahinasyonal
baguhinAng imahinasyonal na gampanin ng wika ay magpinta at magsalin ng mga grupo ng salitang bigkas o sulat na bubuo ng mga eksena o larawan sa isip. Nagiging aktibo ang punsyong ito tuwing ang nagsasalita ay gumaganap bilang isang imahinasyonal o kathang-isip na karakter, o kaya naman ay gumagamit ng tauhan upang makalikha ng imahinasyonal na sitwasyon.
Sanggunian
baguhinAng lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.