Si Mike Yurosek (Setyembre 28, 1922 – Hunyo 12, 2005) ay isang magsasaka mula sa California na kilala bilang ang "ama ng baby karot ."[1][2]

Baby karot

baguhin

Habang ang "baby karot" (baby carrot sa Ingles) ay lubhang popular sa Estados Unidos, hindi ito isang hiwalay na lahi ng mga karot ngunit isang paraan ng pagproseso ng mga regular na buong laki ng mga karot upang magamit pa at mabawasan ang mga tinatapon. Si Mike Yurosek at ang kanyang anak na si David ay nagtaguyod sa baby karot noong unang bahagi ng 1980 sa Bakersfield, California sa pamamagitan ng pagtayo ng kanilang kumpanyang Bunny Luv . Noong 1986, nang mapagtanto ni Yurosek na maraming karot ang natatapon, gumawa siya ng paraan upang maisalba ang mga karot sa pamamagitan nang paggamit ng mga kagamitang panghiwa para maging mas maliit ang mga karot. Ipinadala niya ito sa isang pamilihan at kinabukasan, nagustuhan nila ito at nagpadala pa ng mas maraming suplay. [3] Ang ilang mga pangunahing kumpanya ng karot ay sumunod sa kanila, at ang baby carrot ay isa na sa mga produktong nangungunang mabenta sa industriya.

Pamilya

baguhin

Si Mike Yurosek ay tiyuhin ng artista na si Gary Lockwood .[4]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. https://www.usatoday.com/life/lifestyle/2004-08-11-baby-carrot_x.htm
  2. http://www.foxnews.com/leisure/2014/01/07/truth-behind-baby-carrots/
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-23. Nakuha noong 2021-01-24.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. http://www.scvhistory.com/scvhistory/lw2665.htm