Mikroorganismo

(Idinirekta mula sa Mikrobyo)
Para sa ibang paggamit, tingnan ang mikrobyo (paglilinaw).

Ang isang mikroorganismo (Ingles: microorganism, buhat sa Griyego: μικρός, mikrós, "maliit" at ὀργανισμός, organismós, "organismo"; binabaybay ding mikro-organismo, mikro organismo) o mikrobyo ay isang mikroskopikong organismo na maaaring binubuo ng isang selula (uniselular), mga kumpol ng selula, o walang selula (aselular).[1] Ang pag-aaral ng mga mikroorganismo ay tinatawag na mikrobiyolohiya, isang paksang nagsimula sa pagkatuklas ni Anton van Leeuwenhoek ng mga mikroorganismo noong 1675, na ginagamit ang isang mikroskopyong siya mismo ang nagdisenyo.

Isang kumpol ng bakteryang Escherichia coli na pinalaki ang kuhang larawan ng 10,000 mga ulit.

Napaka sari-sari at magkakaiba ang mga mikroorganismo; kabilang sa mga ito ang bakterya, halamang-singaw, archaea, at mga protista; mikroskopikong mga halaman (mga lunting lumot; at mga mikro-hayop na katulad ng plankton at ang planariano. Ilang mga mikrobiyologo ang nagsasama rin ng mga birus, subalit ang iba ay nagtuturing sa mga ito bilang walang buhay o hindi nabubuhay.[2][3] Karamihan sa mga mikroorganismo ay uniselular (may iisang selula), subalit hindi unibersal, dahil ang ilang mga organismong multiselular (may maraming mga selula) ay mikroskopiko, habang ang ilang mga protista at bakteryang uniselular, katulad ng Thiomargarita namibiensis, ay makroskopiko at makikita sa pamamagitan ng mata.[4]

Ang mga mikroorganismo ay namumuhay sa lahat ng mga bahagi ng biyospero kung saan may likidong tubig, kabilang ang lupa, maiinit na mga bukal, sahig ng karagatan, sa itaas sa loob ng panganorin (atmospera), at sa kaloob-looban ng mga batong nasa loob ng upak (balat) ng daigdig. Mahalaga ang mga mikroorganismo sa pagpapaikut-ikot at muling paggamit ng mga nutriyente o sustansiya sa loob ng mga ekosistema dahil gumaganap sila bilang mga tagapagbulok. Dahil sa ang ilan sa mga mikroorganismo ay nakabubuwag ng nitroheno, mahalaga ang mga ito sa paulit-ulit na pagpapaikot ng nitroheno, at ang kamakailang mga pag-aaral ay nagpapakita na ang mga mikrobyong nasa hangin ay maaaring may ginagampanan sa presipitasyon at panahon.[5]

Ang mga mikrobyo ay ginagamit at sinasamantala ng mga tao na nasa larangan ng biyoteknolohiya, kapwa sa pangtradisyong paghahanda ng pagkain at inumin, at sa makabagong mga teknolohiyang nakabatay sa inhinyeriyang panghenetika, Subalit, ang mga mikrobyong patoheniko ay nakakapanganyaya o nakasasalanta, dahil lumulusob sila at lumalaki sa loob ng iba pang mga organismo, na nagiging sanhi ng mga karamdaman na nakamamatay ng mga tao, ibang mga hayop, at mga halaman.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Madigan M, Martinko J (editors) (2006). Brock Biology of Microorganisms (ika-ika-13 (na) edisyon). Pearson Education. p. 1096. ISBN 0-321-73551-X. {{cite book}}: |author= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Rybicki EP (1990). "The classification of organisms at the edge of life, or problems with virus systematics". S Aft J Sci. 86: 182–6. ISSN 0038-2353.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. LWOFF A (1956). "The concept of virus". J. Gen. Microbiol. 17 (2): 239–53. PMID 13481308.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Balitang Pinakawalan ng Max Planck Society Research, napuntahan noong 21 Mayo 2009
  5. Christner BC, Morris CE, Foreman CM, Cai R, Sands DC (2008). "Ubiquity of biological ice nucleators in snowfall". Science. 319 (5867): 1214. Bibcode:2008Sci...319.1214C. doi:10.1126/science.1149757. PMID 18309078.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  6. [http://www.who.int/healthinfo/bodgbd2002revised/en/index.html 2002 Dato ng mortalidad ng WHO, napuntahan noong 20 Enero 2007