Mikronasyon
Ang mikronasyon, o proyektong bagongbansa (new country project sa Ingles), ay isang entidad o organisasyon na umaangkin ang katayuang bansang independente ngunit hindi kininilala ng mga bansang soberaniya ni ng mga organisasyong pandaigdig tulad ng United Nations.
Ang mga mikronasyon ay naiiba sa mga kathang-isip na bansa sapagkat ang mikronasyon ay may lehitimong organisasyon at pormal na pag-aangkin ng teritoryo o soberaniya.