Mithiing Pangkaunlaran ng Milenyo
Ang mga Mithiing Pangkaunlaran ng Milenyo (sa Ingles: Millennium Development Goals o MDG) ay mga walong mithiin na sinang-ayunan ng mga bansang-kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa upang masubukang makamit sa taong 2015.
Ang mga Mithiing Pangkaunlaran ng Milenyo ay hinango sa unang ' mga mithiing pangkaunlaran ng sabansaan',[1] at opisyal na itinatag sa Pagtitipong Milenyo noong 2000, kung saan ipinagtibay ng mga 189 na pinunong pandaigdig ang Deklarasyong Milenyo ng mga Nagkakaisang Bansa, mula sa planong aksiyon ng waluhang-mithiin, ang 'Mithiing Pangkaunlaran sa Milenyo', ay nabunsod nang tiyakan.
Mga mithiin
baguhinAng mga Mithiing Pangkaunlaran ng Milenyo (MDG) ay nalinang sa mga walong yugto ng Deklarasyong Milenyo ng mga Nagkakaisang Bansa, na nilagdaan noong Setyembre 2000. Isinali sa mga walong mithiin at mga 21 adhikain ang:
- Sugpuin ang matinding kahirapan at kagutuman
- Ipangalahati, sa pagitan ng 1990 at 2015, ang proporsyon ng tao na ang kanilang kita ay mas mababa sa isang dolyar sa isang araw
- Magsagawa ng buo at kapaki-pakinabang na empleyo at disenteng hanapbuhay para sa lahat, kabilang ang mga babae at mga bata
- Ipangalahati, sa pagitan ng 1990 at 2015, ang proporsyon ng taong nagugutom
- Isagawa ang pangkalahatang primaryang edukasyon
- Tiyakin na, sa 2015, ang mga bata saanman, magkatulad na mga lalaki at babae, na may kakayahang makatapos ang kabuuang kurso ng primaryang pag-aaral.
- Itaguyod ang pagkakapantay-pantay at pagbibigay ng kapangyarihan sa mga babae
- Iwaksi na may kanais-nais ang pagkakaibahan ng kasarian sa primarya at sekondaryang edukasyon sa taong 2005, at sa lahat ng antas sa taong 2015.
- Bawasan ang dami ng namamatay na bata
- Bawasan ng dalawang-katlo, sa pagitan ng 1990 at 2015, sa antas ng namamatay na may limang taong gulang pababa.
- Paunlarin ang pang-inang kalusugan
- Bawasan ng tatlong kuwarter, sa pagitan ng 1990 at 2015, ang tagwa ng dami ng namamatay na pang-ina.
- Magsagawa, sa taong 2015, ng pangkalahatang paraan ng paglapit sa kalusugang palaaanakin
- Labanan ang HIV/AIDS, malarya, at mga iba pang sakit
- Makipagpigil sa 2015 at magsimulang baligtarin ang pagkalat ng HIV/AIDS.
- Magsagawa, sa 2010, ng pangkalahatang paraan ng paglapit sa panggagamot para sa HIV/AIDS para sa lahat ng mga nangangailangang ito.
- Makipagpigil sa 2015 at magsimulang baligtarin ang pangyayari ng malarya at mga ibang pangunahing sakit.
- Tiyakin ang kapanatilihang pangkapaligiran
- Pagsamahin ang mga prinsipyo ng kapana-panatili sa kaunlaran sa mga patakaran ng bansa at mga programa; baligtarin ang pagkawala ng mga yamang pangkapaligiran.
- Bawasan ang pagkawala ng biobersidad; isinasagawa na, sa 2010, ang makabuluhang pagbabawas sa antas ng pagkawala
- Ipangalahati, sa 2015, ang proporsyon ng taong wala kapana-panatiling paraan ng pagpasok ng ligtas na tubig-inumin at batayang sanitasyon (para sa karagdagang kabatiran tingnan ang pasukan sa paglalaan ng tubig).
- Sa taong 2020, makapagkamit ang makabuluhang pagbuti sa mga buhay ng hindi bababa sa 100 angaw na mga maralita.
- Paunlarin ang pandaigdigang pagsasama ukol sa kaunlaran
- Paunlarin nang higit pa ang bukas na pangangalakal at sistemang pananalapi na nababatay sa tuntunin, nahuhula at di-nahihibuan. Sumasaklaw ang pagtutuon sa mabuting pamamahala, kaunlaran at pagbabawas ng kahirapan-nang pambansa at pansabansaan.
- Magbigay-pugay ang mga tanging pangangailangan ng mga bansang di-gaanong umuunlad. Ito'y kabilang ang mga taripa at paraan ng paglapit nang walang kota ukol sa kanilang mga luwas; programang napabuti ng agarang-tulong sa pagkakautang para sa mga bansang di-makakautang nang mabigat; at pagpapawalang-bisa ng opisyal na bilateral na pautang; at maraming mapagbigay na opisyal na tulong pangkaunlaran para sa mga bansang mapagkakatiwalaan sa pagbabawas ng kahirapan.
- Magbigay-pugay ang mga tanging pangangailangan ng mga umuunlad na bansang hiwalay at may maliit na pulo alamang.
- Makiharap nang pangmalawakan sa may mga problema sa utang ng mga umuunlad na bansa sa pamamagitan ng mga aksiyong pambansa at sabansaan nang sa gayon ay makagawa ng pautang na kapana-panatili sa mahabang takda ng panahon.
- Sa pakikipagtulungan ng mga umuunlad na bansa, magsagawa at isakatuparan ang mga istratehiya ukol sa marangal at mapanlikhang gawain para sa kabataan.
- Sa pakikipagtulungan ng mga kompanyang parmasyutiko, magbigay ng paraan ng paglapit sa mga esensyal na gamot na kayang bilhin sa mga umuunlad na bansa.
- Sa pakikipagtulungan ng mga pribadong sektor, maging handa ang mga benepisyo ng mga bagong teknolohiya, lalo na sa kabatiran at mga komunikasyon