Mineralohiya

(Idinirekta mula sa Mineralogy)

Ang mineralohiya ay ang pag-aaral ng mga mineral na pangunahing materyal na bumubuo sa mga bato. Ang mga mineral ay mga likas na nabubuong solido (inorganiko) na may kahanayang panloob (strukturang atomiko) at tiyak na komposisyong kemikal. Kapag ang salitang mineral ay ginagamit ng mga heologo, ang tanging mga bagay lamang na nagtataglay ng lahat ng mga nabanggit ang maituturing na mineral. Halimbawa, ang mga sintetikong diamante, ang mga bagay na ginagawa ng mga kimiko ay hindi maituturing na mga mineral. At tulad ng unang nabanggit, hindi maituturing na mineral ang batong-hiyas na opal (isang mineraloid), dahil ito ay walang kahanayang struktura.

Katangian ng mga mineral

baguhin

Kristal na anyo

baguhin

Ang kristal na anyo ay ang panlabas na manipestasyon ng panloob na kaayusan ng mga atom. Karaniwan, kapag ang isang mineral ay nabuo sa espasyo na walang limitasyon, ito ay yumayabong sa isang maayos na pormang kristal. Halimbawa ay ang pyrite na mayroong kubikong kristal na anyo.

Kintab

baguhin

Ang kintab ay ang paglabas o kalidad ng liwanag na ibinabalik mula sa pang-ibabaw na kalatagan ng mineral. Ang mga mineral na may ay anyong metaliko, alintana ang kulay, ay sinasabing may metalikong kintab, tulad ng pyrite. Ang mga mineral naman na walang metalikong kintab ay tinatawag sa iba’t ibang pantukoy. Ang mga pantukoy na ito ay mala-salamin, mala-perlas, mala-sutla, at matamlay.

Bagaman ang kulay ay isang malinaw na katangian ng isang mineral, ito ay kadalasang hindi mapagkakatiwalaang katangian. May maliliit na dumi na maaring sumama sa atomikong struktura ng mga mineral na maaring magdulot ng pagbabago sa kulay ng mga mineral.

Streak

baguhin

Ang streak ay ang kulay ng mineral sa anyong pulbos. Ito ang mas tiyak na sanggunian ng kulay ng isang mineral. Ang streak ay makukuha sa pamamagitan ng pagkuskos ng mineral sa isang malinis na porselana, na tinatawag na streak plate.

Katigasan

baguhin

Isa sa mga kapaki-pakinabang na katangian ng mineral ay ang katigasan. Ito ang sukat ng kakayahan ng mineral na mabasag o makaskas. Ang katangian na ito ay masusukat sa pamamagitan ng pagkaskas ng mineral sa isa pang mineral na mayroong tiyak na katigasan. Makakaskas ng isang mineral ang isa pang mineral, maliban na lamang kapag sila ay magkapareho ng katigasan.

Clevage

baguhin

Sa istruktura ng isang mineral, mayroong mga buklod na mahina kaysa sa iba. Sa mga buklod na ito, mababasag o mapuputol ang nasabing mineral kapag nilagyan ng diin. Ang clevage ay ang pagkaputol or pagkabasag ng mineral sa parte ng mahinang buklod.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Heolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.