Ministro ng Estado

Ang isang ministro ng estado ay isang nasasakupan ng isang ministro, na pinamumunuan ang isang ministeryo. Sinasakop ng ministro ang buong ministeryo ng estado na tumutulong at gumaganap ng ibang tungkuling na binibigay ng isang ministro.

Sa ilang mga pambansang tradisyon, ang titulong "Ministro ng Estado" ay nakareserba para mga kasapi ng pamahalaan na nasa ranggong gabinete, kadalasang isang pormal na pagkakaiba sa loob nito, o kahit pa ang pinuno nito. Halimbawa, sa Hapon, ang titulong Ministro ng Estado ay ang titulong dinadala ng lahat ng kasapi ng Gabineteng Hapon. Sa ibang halimbawa, ang Ministro ng Estado ng Palau ay isang ministro na responsable para sa ugnayang panlabas at pandaigdigang kalakalan.[1] Sa Espanya naman, nang naging Punong Ministro si Adolfo Suárez, nilikha niya ang mga Ministro ng Estado na naluklok sa puwesto sa kakaibang posisyon sa loob ng Pamahalaan. Bagaman, hindi tumagal ang inisyatibong ito yayamang hindi sumunod sa yapak niya ang mga sumunod sa kanya.[2]

Sa iba't ibang bansa, lalo na sa dating kasapi ng Imperyong Britaniko, ang "Ministro ng Estado" ay isang pang-ministrong ranggo na mas mababa, na kadalasang nasasakupan ng isang kasapi ng gabinete. Halimbawa, sa Pakistan na dating kolonyang Britaniko, ang isang Ministro ng Estado ay isang Ministrong na may mas mababang ranggo sa pambansang Pamahalaan na maaring tumulong sa isang ministro ng gabinete o may malayang utos ng isang ministeryo.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Ministry of State – PalauGov.pw".
  2. {{Cite news|url=https://elpais.com/diario/1981/01/30/espana/349657207_850215.html%7Ctitle=Los[patay na link] Gobiernos de Suárez |date=1981-01-30|work=El País |language=es |issn=1134-6582 |access-date=2019-09-05}|language=en}
  3. Pakistan Federal Cabinet Naka-arkibo 2007-03-02 sa Wayback Machine. (sa Ingles)