Minotauro

(Idinirekta mula sa Minotawro)

Sa mitolohiyang Griyego, ang minotauro, minotaurus, o minotoro (Griyego: Μῑνώταυρος, Mīnṓtauros) ay isang nilalang na kalahating tao at kalahating toro o baka. Karaniwang ulo ang sa baka at sa tao ang katawan. Nakatira ito sa gitna ng Laberinto, isang masalimuot na "palaisipang pampaglalakbay" na ginawa para kay Haring Minos ng Creta at dinisenyo ng arkitektong si Daedalus[1] at ng kanyang anak na lalaking si Icarus. Inatasan silang itayo ito upang maikulong ang Minotauro. Karaniwang ang Knossos ang itinuturing na pook na pinagtayuan ng laberinto. Sa paglaon, napaslang ni Theseus ang minotauro.[1]

Ang minotauro sa loob ng kanyang bilangguang laberinto.

Pangalan

baguhin

Nagmula ang pangalang minotauro mula sa Griyegong Μῑνώταυρος (Mīnṓtauros), na pinagsamang Μίνως (Minos ni Haring Minos) at ng pangngalang ταύρος (tauros) o bulugang toro o lalaking baka, kaya't isinasalinwika bilang "Bulugang Toro ni Minos". Sa Creta, kilala ang toro bilang Asterion, isang pangalang ginagamit din ng ama-amahan ni Minos.[2]

Salaysay

baguhin

Batay sa mitolohiya ng sinaunang mga Griyego, may isang panahong nasakop ni Haring Minos ang Atenas. Nagpahayag siyang susunugin niya ang lungsod kung hindi makapagdadala ang mga mamamayan ng Atenas na pitong mga dalaga at pitong mga kabataan sa bawat siyam na taon. Ipapakain sa minotauro ng laberinto ang mga dalaga at mga kabataan. Sumama si Theseus sa mga dalaga at mga kabataan. Nakahanda si Theseus sa pagpasok niya sa laberinto, sapagkat binigyan siya ni Ariadne, anak na babae ni Haring Minos, ng bola ng sinulid. Itinali ni Theseus ang dulo ng sinulid sa pintuan ng laberinto bago landasin ito. Habang naglalakbay, pinabayaan niyang unti-unting matanggal sa pagkakaikot ang bola ng sinulid. Pagkaraan niyang mapaslang ang minotauro, sinundan lamang niya ang sinulid upang makalabas mula sa laberinto.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "The Minotaur". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Greek Mythology, pahina 365.
  2. Nagsasaad ang Hesiodikong "Katalogo ng mga Kababaihan" (Catalogue of Women) ng may kaugnayan sa pagtatatag ni Zeus ng Europa sa Creta: "...he made her live with Asterion the king of the Cretans. There she conceived and bore three sons, Minos, Sarpedon and Rhadamanthys." (Salin: "... ginawa niyang manirahan siya sa piling ni Asterion na hari ng mga Cretano. Doon siya naglihi at nagsilang ng tatlong mga anak na lalaki, sina Minos, Sarpedon, at Rhadamanthys.")