Sistema Subsistema/
Serye
Yugto Edad
milyong taon ang nakalilipas
Permian Cisuralian Asselian mas bata
Carboniferous Pennsylvanian Gzhelian 299.0–303.9
Kasimovian 303.9–306.5
Moscovian 306.5–311.7
Bashkirian 311.7–318.1
Mississippian Serpukhovian 318.1–328.3
Viséan 328.3–345.3
Tournaisian 345.3–359.2
Deboniyano Upper Famennian older
Subdivision of the Carboniferous system according to the ICS.[1]

Ang Mississippian (Kastila: Misisípico) ay isang pang-ilalim na panahon sa panahong heolohiko na Carboniferous. Ito ang pinaka-maaga o pinaka-mababa sa Carboniferous na tumagal mula mga 359 hanggang 318 milyong taon ang nakalilipas. Gaya ng ibang mga heokronolohikong mga unit, ang mga kama ng bato o strata na naglalarawan ng Mississippian ay mauhsay na natukoy ngunit ang eksaktong simula at wakas nito ay hindi matiyak ng ilang mga milyong taon. Ito ay ipinangalan sa Ilog Mississippi kung saan ang mga bato na may edad ng panahong ito ay nalantad. Sa Hilagang Amerika kung saan ang interbal ay pangunahing binubuo ng mga batong apog na pang-dagat, ito ay nakaraang trinato bilang buong heolohiko sa pagitan ng Deboniyano at Pennsylvanian. Sa Europa, ang Mississippian at Pennsylvaniyano ay higit kumulang na tuloy tuloy na sunod sunod na mga mababang lupan na pang kontinenteng deposito at magkasamang ipinangkat bilang Carboniferous at minsang tinatawag na Itaas na Carboniferous at Mababang Carboniferous. Sa panahong Mississippian, ang yugto ng oreheniya ay nangyari sa mga Kabundukang Appalachian.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gradstein F, Ogg J (2004). "Geologic Time Scale 2004 – why, how, and where next!" (pdf). Lethaia. 37: 175–181. doi:10.1080/00241160410006483. Nakuha noong 2012-03-30.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)