Acarus scabiei

(Idinirekta mula sa Mite)

Ang acarus scabiei ay ang teknikal na pangalan ng pulgas o kuto na nagsasanhi ng sakit sa balat na makati na kung tawagin ay scabies o galis (galis-aso, kung minsan). Ang acarus ay unang inilarawan ni Giovan Casimo Bonomo ng Leghorn, Italya sa pamamagitan ng isang liham sa kaniyang kaibigan at tagapagturo na si Francesco Redi, na inilathala naman ni Redi noong 1687. Ang pagkakatuklas ay hindi nakumpirma hanggang sa pagsapit ng ika-19 na daantaon, sa pamamagitan ni Simon-François Renucci, isang Corsicanong estudyante ng medisina sa Paris, noong 1834. Ang isa sa akdang naglalarawan ng galis ay ang The Story of Scabies na isinulat ni Reuben Friedman.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Acarus scabiei". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 8.