Mito ng paglikhang Hapones
Sa mitolohiyang Hapones, ang mito ng paglikhang Hapones (天地開闢, Tenchikaibyaku lit. "paglikha ng langit at lupa"?) ang kwneto na nagsasalaysay ng paglikha ng langit at lupa, kapanganakan ng mga unang Diyos at kapanganakan ng bansang Hapon. Ang kuwentong ito ay isinasalaysay sa pasimula ng Kojiki at Nihon shoki. Ang parehong anyo ang basehan ng mitolohiyang Hapones at Shinto.
Ayon mito ng paglikhang Hapones, sa pasimula, ang uniberso ay nasa anyong kaguluhan na nakalubog sa katahimikan. Kalaunan, may mga tunog na nagpapahiwatig ng paggalaw ng mga partikulo. Sa paggalaw na ito, ang liwanag at mga pinakamaagang na partikulo ay umahon ngunit ang mga partikulo ay hindi kasing bilis ng liwanag at hindi makabilis pa. Kaya ang liwanag ay nasa tuktok ng uniberso at ilalim nito at ang mga partikulo ay bumuo muna ng mga ulap at pagkatapos ay ang langit na tatawaging Takamagahara (高天原?, "Mataas na Kapatagan ng Kalangitan"). Ang natitirang mga partikulo na hindi umahon ay bumuo ng isang malaking masang siksik at madilim na tatawaging mundo. Nang mabuo ang Takamagahara, ang unang tatlong mga Diyos ay lumitaw na sina Amenominakanushi (天之御中主神?), Taka-mi-musuhi-no-kami (高御産巣日神?) at Kami-musuhi-no-kami ( 神産巣日神?). Kalaunan, ang dalawang mga Diyos ay lumitaw sa Takamagahara mula sa bagay na katulad ng isang usbong ng reed. Sila ay sina Umashi-ashi-kabi-hikoji-no-kami (宇摩志阿斯訶備比古遅神?) at Ame-no-toko-tachi-no-kami ( 天之常立神?). Ang mga Diyos na ito ay kilala bilang Kotoamatsukami ay walang kasarian at nagtago pagkatapos ng kanilang paglitaw. Pagkatapos ay lumitaw pa ang dalawang ibang Diyos na sina Kuni-no-toko-tachi-no-kami (国之常立神?) at Toyo-kumo-no-no-kami ( 豊雲野神?). Ang mga Diyos na ito ay wala ring kasarian at nagtago pagkatapos lumitaw. Pagkatapos ay ipinanganak ang limang pares ng mga Diyos na ang bawat pares ay binubuo ng isang Diyos na lalake at Diyos na lalake. Sila ay sina U-hiji-ni ( 宇比地邇神?) at kanyang nakababatang kapatid at asawang si Su-hiji-ni ( 須比智邇神?), Tsunu-guhi ( 角杙神?) at kanyang nakababatang kapatid at asawang si Iku-guhi ( 活杙神?), Ō-to-no-ji ( 意富斗能地神?) at kanyang nakababatang kapatid at asawang si Ō-to-no-be ( 大斗乃弁神?), Omo-daru ( 於母陀流神?) at kanyang nakababatang kapatid at asawang si Aya-kashiko-ne ( 阿夜訶志古泥神?) at Izanagi ( 伊邪那岐神?) at kanyang nakababatang kapatid at asawang si Izanami ( 伊邪那美神?). Ang lahat ng mga Diyos na ito tinatawag na Kamiyonanayo (神世七代?, "Pitong mga Henerasyong Diyos"). Pagkatapos ng paglikha ng langit at lupa at paglitaw ng mga Diyos, nilikha nina Izanagi at Izanami ang kapuluang Hapon (Kuniumi) at nanganak sa mas malaking bilang ng mga Diyos (Kamiumi).