Mošovce (populasyon: 1380) ay isang mahalagang nayon sa gitnang Slovakia. Maraming makasaysayang lugar at mga bantayog ang matatagpuan dito. Sa lugar ring ito ipinanganak ang manunulang si Ján Kollár.

Mošovce - Slovakia

Kasaysayan

baguhin

Maraming sinaunang gusali ang makapag papatunay sa 770 taong kasaysayan nito. Ito ay unang nahahati sa dalawang bahagi: ang isa ay ang Machyuch, na kinatatayuan ngayon ng Starý Rad, at ang Terra Moys, na siyang pinagkunan ng makabagong pangalan ng Mošovce, na kinatatayuan ngayon ng Vidrmoch. Ang bayang ito ay tinawag sa iba't-ibang pangalan, kagaya ng Mossovych, Mosocz, Mossowecz, villa regia Mayos alio nomine Mossovych, oppidioum Mayus sue Mosocz, Mosocz olim Mayus hanggang sa kasalukuyang pangalan nito, ang Mošovce.

Mga Tanawin

baguhin

Isa sa pinaka tanyag na bantayog sa bayang ito ay isang manor sa istilo ng klassikong Rococo sa huling bahagi ng ika-18 siglo. Dito rin ipinanganak ang manunulang si Ján Kollár at matatagpuan din dito ang isang simbahang katoliko sa istilo ng makabagong-gotiko, na kung saan ang altar nito ay nakatayo sa isang naunang simbahang Luteran na itinayo noong 1784.

Kultura at Kasaysayan

baguhin

Mga kilalang tao na ipinanganak sa Mošovce:

baguhin
baguhin