Mohamed Brahmi
Si Mohamed Brahmi (15 Mayo 1955 – 25 Hulyo 2013) ay isang politiko sa Tunisya. Si Brahmi ang nagtatag at dating tagapamahala ng People's Movement ng Tunisya,[1], sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang lider, siya ay nahalal ng 2 beses sa eleksiyon noong 2011.[2]
Mohamed Brahmi | |
---|---|
Member of the Constituent Assembly | |
Nasa puwesto 22 Nobyembre 2011 – 25 Hulyo 2013 | |
Leader of the People's Movement | |
Nasa puwesto 8 Marso 2011 – 7 Hulyo 2013[1] | |
Nakaraang sinundan | Ginawa ang posisyon |
Personal na detalye | |
Isinilang | 15 Mayo 1955 Sidi Bouzid, Sidi Bouzid Governorate, Tunisia |
Yumao | 25 Hulyo 2013 Tunis, Tunisya | (edad 58)
Partidong pampolitika | Independent |
Ibang ugnayang pampolitika | People's Movement[2] |
Alma mater | Unibersidad ng Tunis |
Kabataan
baguhinSi Brahmi ay ipinanganak noong 15 Mayo 1955, sa Sidi Bouzid, kapitolyo ng Sidi Bouzid Governorate. Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa Higher Institute of Management, Unibersidad ng Tunis at nakakuha ng master's degree sa akawnting noong 1982. Pagkatapos ng kanyang pag-aaral siya ay nagturo ng ekonomiya sa loob ng 2 taon sa Technical College ng Menzel Bourguiba.[2]
Politiko
baguhinSi Brahmi ay aktibong miyembro ng Arab Progressive Unionist Students hanggang 2005, siya ay umalis at kanyang itinatag ang Nasserist Unionist Movement, isang ilegal na partido sa ilalim ng gobyerno ni Ben Ali. Pagkatapos ng rebolusyong Tunisya, itinatag niya ang People's Movement kung saan siya ay naging sekretarya heneral ng grupo.[3] Ang partido ay umanib sa Popular Front noong 12 Abril 2013.[2][4] Ngunit, si Brahmi at iba pang miyembro ay tumiwalag noong Hulyo 7 dahil sa kritisismo ng ibang mga lider ng partido[3]
Si Brahmi ay nakilala sa kanyang pagiging sosyalista at makabayang Arabo,[5] lalo na sa tradisyon ng Gamal Abdel Nasser.[5]
Kamatayan
baguhinSi Brahmi ay pinatay noong 25 Hulyo 2013, ng dalawalang lalaking naka-motorsiklo, sa Tunis sa labas ng kanyang bahay sa Ariana sa harap ng kanyang asawa at mga anak.[6] Siya ay nagtamo ng 14 na tama ng baril at namatay din ng araw na iyon sa hospital ng Ariana distrito ng Tunis.[7] Kasunod ng kanyang pagkamatay, daan-daang mga taga suporta, kaanak at mga kapartido sa People's Movement ang nagmartsa sa labas ng gusali ng Interior Ministry sa Avenue Habib Bourguiba at sinisisi nila ang kasalukuyang nanunungkulang partido ang Ennahda Party sa pagkakapaslang sa kanya.[5][8]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Thousands attend funeral of Tunisian MP". Al Jazeera English. 27 Hulyo 2013. Nakuha noong 27 Hulyo 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 Salma Bouzid (25 Hulyo 2013). "Who's Who: Mohamed Brahmi". Tunisia Live. Nakuha noong 26 Hulyo 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 3.0 3.1 "Tunisian Speaker spurns opposition calls for parliament dissolution". BBC Monitoring International Reports. 10 Hulyo 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Mayo 2015. Nakuha noong 26 Hulyo 2013.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tunisia: 'Echaab' Movement Joins Popular Front". Tunis Afrique Presse. 9 Abril 2013. Nakuha noong 26 Hulyo 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 Daragahi, Borzou. Salafist identified as suspect in Tunisia assassination. Financial Times. 26 Hulyo 2013.
- ↑ Najjar, Yasmin (28 Hulyo 2013). "Tunisia buries slain politician". Magharebia. Tunis. Nakuha noong 29 Hulyo 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tunisian politician Mohamed Brahmi assassinated". BBC News. 25 Hulyo 2013. Nakuha noong 25 Hulyo 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gall, Carlotta (26 Hulyo 2013). "Second Opposition Leader Assassinated in Tunisia". The New York Times. Nakuha noong 26 Hulyo 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)